“Kung magsalita ka Lj parang wala kang ginawang mali noon. Parang ang dali-dali mong sabihin ang lahat? Parang hindi mo ko sinaktan? O baka naman hanggang ngayon niloloko mo pa rin ako?”
Na-alarma si Lj sa sinabi ni Ginny it seems that hindi na natutuwa ang kanyang kasama sa mga sinasabi niya.
“O baka naman gusto mo ring ipaalala sa akin kung paano mo ako sinaktan?”
“Ginny, sorry, hindi naman yun ang ibig kong sabihin.”
Hindi mapigilan ni Ginny ang maluha. Tini-try naman niyang magbago at magmove on pero hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang sakit ng nakaraan nila ng lalaki.
Kumuha agad siya ng panyo at pinunasan ang kanyang mata na nasa likod ng malaking shades na iyon, “Sige na Lj, mauna na ako. May early meeting pa ako bukas.” At hinayaan na siya ni Lj na lumayo sa kanya at mauna sa parking lot.
“Lj, minahal mo ba talaga ako? Kasi ako nakita mo naman di ba kung gaano kita kamahal. Pinanindigan kita kahit sabihin pa nilang magkaiba ang mundo natin. Lj ano ba talaga ako sayo?” ang sabi ni Ginny habang nasa loob sila ng isang classroom na sila lang dalawa ni Lj.
Naalala pa ni Ginny ang mga sinabi niya noon kay LJ. For two years she’s begging for love sa lalaki. Kahit sabihin pa ng iba na pinababa niya ang sarili niya paghahabol sa isang hamak na working student lang non na si LJ ay wala siyang pakialam… dahil ang alam niya ay mahal niya ang lalaki and she wants to be with him for the rest of her life.
“Ginny, alam kong naging unfair ako sayo, pero maniwala ka Ginny, I tried, dahil alam ko na deserve mo ang isang tunay at wagas na pagmamahal at yun ang gusto kong ibigay sayo.” Ang sagot sa kanya noon ni Lj, “Ginny, kung nakakapili lang ang puso ko pipiliin naman talaga kita eh… kaya lang…”
“Kaya lang ano? Kahit anong gawin mo mahal mo pa rin siya, kahit malinaw na sinabi niya sayo na hindi ka niya mahal at di ka niya kayang mahalin… you still love her.”
“Ginny, alam ko kung gaano mo ako kamahal kaya hindi ko na kayang lokohin ka.”
Umiyak si Ginny, “Pero niloko mo ako. Ginawa mo akong panakip butas! Pinaniwala mo akong sa akin lang ang puso mo.”
Hinawakan ni Lj ang kamay ni Ginny, “Ginny, patawarin mo na ako. Im so sorry.”
“Sa tingin mo ganon kadali yun? Yung magmove on? Yung kalimutan ang lahat? Lj, patawarin mo ako kung hindi ko maibibigay sayo yung hinihingi mo ngayon dahil mahal pa rin kita at nasasaktan ako sa ginawa mo sa akin.” At saka siya lumabas sa class room na iyon.
BINABASA MO ANG
9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVE
RomanceGinny is a well known personality, the daughter of the former president of the Philippines, ang editor in chief ng sikat na fashion magazine and fiancé ng isang bigating businessman. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay sa kanyang caree...