3.2

1.1K 25 0
                                    

"Sex lang yun?"

Tumango si Ginny, "Yes, LJ, isang simpleng sex lang yun."

"Pero Ginny..."

Pinahinto ni Ginny si LJ sa pagsasalita, "Stop it LJ. Tama na. Always remember, wala lang yun. Sige mauna na ako, salamat uli sa pag-aasikaso sa akin." Saka niya binuksan ang pintuan ng room na iyon at dali-daling lumabas ng kuwartong iyon.

"Sex lang yun, walang malisya yun." Ang sabi ni Ginny sa kanyang sarili habang hindi siya mapakali na palakad-lakad sa loob ng kuwarto ng office niya, "Siguro naman na-gets niya yun, malaki na siya." Napaupo siya sa swivel chair at napakagat sa kuko niya, "Kasi naman Ginny, bakit ka nagpakalasing ng ganon? Nawala ka tuloy sa sarili mo."

Nagulat si Ginny nang biglang tumunog ang telepono niya at agad niyang sinagot iyon, "Yes Gina."

"Madam, Mr. LJ Hilario wants to talk to you." Biglang napatayo si Ginny sa sinabi ng sekretarya niya.

"Sabihin mo wala ako rito."

"Pero Madam importante raw po."

Napahawak si Ginny sa ulo niya. Anong importante? Wala ng importante sa ating dalawa.

"Gina, listen to me. Yang LJ Hilario nay un, blackmailer yan. Tinatakot niya ako at sinasabihan ng kung anu-ano kaya please sabihin mo sa lalaking yan na tigilan niya na ako at bawal na siyang tumawag dito." Ang utos niya sa kanyang sekretarya.

"Naku po, Madam, kung ganon pala isumbong na natin siya sa mga pulis."

"No!" napasigaw bigla si Ginny sa phone sa advice ng kanyang secretary, "Hindi pwede. Kasi pinagbantaan niya ako, sabi niya kung magsusumbong ako sa mga pulis ay sisiraan niya ako sa mga tao at madadamay ang pamilya ko. Gina sundin mo na lang ako okey. Sabihin mo sa kanya yun."

"Bawal na po kayong kausapin ng Boss ko at sabi po niya tigilan niyo na siya."

Nagulat si LJ sa sinabing iyon ng sekretarya niya, "Ano? Teka nababaliw ba yang Boss, makatapos akong magmalasakit sa kanya sasabihan niya ako ng ganyan."

"Alam niyo po Sir, masama ang nang-iipit ng tao, saka kahit po medyo moody itong Boss ko ay may kabaitan naman po yan kaya wag niyo po siyang gawan ng masama."

"Ako gagawan ko ng masama yang amo mo!" napasigaw si LJ sa telepono, "Teka, sumusobra na yang amo mong yan ha."

"Sir, maawa ka naman sa Boss ko. Babae lang siya, mahina at walang laban sa inyo. Sir, pakiusap po tigilan niyo na siya."

Napahawak sa ulo niya si LJ. Sa totoo lang ang sumasakit na ang ulo niya sa pinagsasabi ng sekretarya ni Ginny, ni hindi niya nga alam kung paniniwalaan niya ang mga sinasabi nito, "Okey, kung ayaw akong makausap ng Boss mo nay an then fine! Ipaabot mo sa kanya ha na hindi yan ang ikinilos at sinabi niya sa akin kagabi! Sabihin mo yan sa kanya ha!" at saka padabog na binaba ni LJ ang phone ng hotel na tinutuluyan niya.

Nagngingit-ngit na siya sa galit sa mga narinig niya sa sekretarya ni Ginny, "Pambihira ako? Nagawa kong takutin siya, ano bang akala niya sa akin ha, criminal? Blackmailer? Rapist? Ang kapal ng mukha niya!" napatingin siya sa hawak niyang diamond earrings na naiwan ni Ginny mula sa kuwarto niya, "So, ganyan pala ang tingin mo sa akin ha, okey, pagbibigyan kita, simula ngayon, katatakutan mo na ako."

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon