Hindi ko ba alam kung dapat akong magalit o hindi kay LJ.. Pero nakakainis siya... Sa dami-dami pa namang buwan sa loob ng isang tao ay itong buwan pa talaga na ito niya pinili na magpakasal kami.
September... Buwan ng mga bagyo... Kamusta naman yun.
Kaya naman ang araw ng kasal namin ay signal no. 3 sa Manila.
Malakas ang hangin at ang lakas ng ulan sa labas.. With matching kulog at kidlat pa... Sino ang matutuwa sa lagay na iyon?
Ang planong engrande na kasal ay nauwi sa maliit na kasalan na lang ... Paano ba naman walang umattend dahil sa lakas ng ulan.
Madaming absent sa mga Ninong at Ninang at pati na rin sa mga abay.
Habang nagmamartsa ako sa aisle ay nakaramdam ako ng panghihinayang habang nakikitang kakarumpot lang ang tao sa simbahan. Dream ko pa naman ang maraming makakita sa akin na ako ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa.
Nang lumapit ako sa altar ay nakangiting sinalubong ako ni LJ.
Kung makangiti siya diyan gusto ko siyang apakan... Kamusta naman yun wala kaming bisita.
"Smile... Its our wedding." ang bulong niya sa akin tapos sabay kaming humarap sa Pari.
"You are now husband and wife... You may kiss the bride." ang sabi ng Pari sa amin.
Humarap kami ni Lj sa isa't isa. Tapos pumikit ako at ngumuso sa kanya. Sige na kiss na para matapos na itong seremonyas na ito at magkapirmahan na. Sa honeymoon na lang ako babawi sayo.
"Sorry Father, will you excuse us?"
Lintek na... But may excuses. Napamulat ako ng mata saka nagmake face kay LJ.
"Sayang kasi ang bagyo, I want our first kiss as husband and wife to be a special and memorable one."
Ngumiti ang Pari sa amin, "Gawin mo kung anong gusto mo."
Hinawakan ako ni LJ sabay hila sa akin pababa ng altar at patakbo sa aisle.
"Ano ito?"
Lumabas kami ng simbahan at pumagitna sa malakas na ulan.
Na-gets ko na siya. Gets na gets ko na.
Napailing ako, "So dito talaga. Dito talaga mo ko trip halikan ha."
Ngumiti lang siya sabay hila sa akin at siil ng halik.
Basang-basa na kami pareho sa gitna ng ulan habang ang mga tao sa simbahan ay nakatingin lang sa amin na nag-kikiss in the rain.
"Mabuhay ang bagong kasal!!!" ang narinig kong sinabi nila habang hinahagkan namin ang isa't isa.
Kiss in the rain... Paano kaya kung maglevel up ito at maging make love in the rain?
BINABASA MO ANG
9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVE
RomanceGinny is a well known personality, the daughter of the former president of the Philippines, ang editor in chief ng sikat na fashion magazine and fiancé ng isang bigating businessman. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay sa kanyang caree...