Nagulat si Ginny nang nag-take out lang sila ng pagkain ni Lj sa isang fastfood at saka siya hinila ng lalaki pabalik sa Luneta.
Dali-dali siyang hinila nito sa madamong bahagi ng park saka bumili ng sako si Lj at inilatag yun sa damuhan.
"Picnic lang ang peg?" ang sabi ni Ginny na nakatingin kay Lj habang nilalabas ng lalaki ang mga binili nilang pagkain sa fastfood.
Hinila ni Lj si Ginny paupo sa tabi niya, "Ito kasi ang na-miss natin nong bata tayo. Nakapamasyal nga tayo rito sa Luneta pero di naman tayo nakapagpicnic." At saka inabot ni Lj ang inorder niyang burger at drinks kay Ginny.
Sabay kinain ng dalawa ang mga inorder nilang pagkain.
Nang maubos na nila ang dala nilang pagkain ay napatingin si Ginny sa kanyang relos, "Am.. Lj, I think its time to me to..."
Patayo na sana si Ginny nang biglang humiga si Lj at inulunan ang lap ni Ginny.
"Hay, ang sarap naman ng unan ko. Ginny, iidlip muna ako ha."
"Pero Lj.."
Hindi na naka-hindi si Ginny nang ipinikit na ng lalaki ang kanyang mga mata.
Napabuntong hininga si Ginny hindi niya alam kung tama bang itulak na lang niya si Lj upang makatayo siya pero hindi niya rin mai-deny sa sarili niya na she like the feeling na ginsgawang unan ni Lj ang lap niya.
Di rin niya mspigilan ang mga kamay niya na hawiin ang buhok ng lalaki.
Lj ... after ten years.... sa kabila ng ginawa mo sa akin? Why are you so damn beautiful?
Dumako ang mga mata niya sa nakaawang na labi ng lalaki. Napalunok siya... para siyang ni-wewelcome ng labi nito. Para bang nagtatawag lang ng come and eat me.
Napahawak siya sa bibig niya. Shocks! Naglalaway siya.... naglalaway siya sa labi ni Lj? Ano yun parang pagkain lang?
"Ginny, remember dati nong college tayo? Dahil sa sikat yung pamilya mo non sabi mo di ka na makapasyal sa park? Sabi mo matagal ka ng di nakakarating ng Luneta kaya talagang niyaya mo ako non na magdate tayo rito. Sabi mo pa nga noon gusto mo magpicnic tayo rito tapos hihiga ako sa lap mo tulad nito then kakantahan mo ako ng lullaby para makatulog ako."
"Naalala mo pa yun."
"Sayang nga lang nong huli tayong nagpunta rito hindi natin nagawang magpicnic. Maambon kasi non eh." dagdag pa ni Lj .
"Lj, free ka ba this Sunday?"
Agad na bumalik sa pagkakaupo si Lj sa tinanong ng babae sa kanya, 'Totoo ba yang narinig ko? Ikaw na ngayon ang nagyayang makipagdate sa akin?"
"May pupuntahan kasi ako, magpapasama lang sana ako sayo."
"Ano ba yan?"
"May event lang akong pupuntahan. I need an escort. Pwede ka ba?" tanong niya sa lalaki.
"Sure pwede ako riyan!'
BINABASA MO ANG
9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVE
DragosteGinny is a well known personality, the daughter of the former president of the Philippines, ang editor in chief ng sikat na fashion magazine and fiancé ng isang bigating businessman. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay sa kanyang caree...