"Poise have been the women favorites since its launching four years ago. This is due to we know what women wants and thats what are we giving them in this magazine.
Women needs freedom... Freedom from sadness... Freedom of speech... Freedom of expression and freedom from being hurt.
And to celebrate for the years of our dedication in serving the Filipinas.. Let's make a big toast for the success of Poise Magazine."
Nag-toast sa ang mga bisita sa hall na iyon at sabay nagpalakpakan ang lahat bilang celebration sa success ng nasabing magazine.
Bumaba si Ginny sa stage at saka kinamayan ang ibang guests.
"Very good speech Miss Ginny."
"Thanks. By the way, nasaan si Benjie? I haven't seen him kanina pa."
"Uhh ohhh, baka busy sa ibang bagay."
Kinabahan si Ginny.
Ang lalaking yun, walang hiya na talaga, gusto niya akong eskandaluhin sa mismong victory party ng Poise.
"Everybody!"
Napatingin ang lahat sa stage nang marinig ang boses na yun.
"May I have your attention please."
Nagtaka si Ginny nang biglang sumulpot si Benjie sa stage na iyon. Kanina pa niya kasi hinahanap ang lalaking iyon tapos ngayon bigla na lang itong bubulaga sa stage.
"May I call on Miss Ginny de Silva to go back here in stage."
Napabuntong hininga si Ginny.
Anong ka-echosan na naman kaya ito?
Pumanik si Ginny sa stage at lumapit kay Benjie.
"Gin, I want you to know that the whole company especially me is very happy in your success in POise. I know this is your dream and you work very much for this."
Nagpalakpakan naman ang audience sa sinabi ni Benjie.
"And now..." nagulat siya nang biglang lumuhod ang lalaki sa harapan niya.
"Shocks Benjie..."
"Let me grant your one wish in your life..."
"Benj..."
"Miss Ginny de Silva, will you be my wife?"
Napanganga si Ginny sa tanong na iyon ng lalaki.
Nakakabinging hiyawan at tuksuhan ang namamalagi sa loob ng function room na iyon pero tila bingi si Ginny dahil sa mga oras na iyon ay dalawang bagay lang ang nasa isip niya....
Kung its a YES...
Or a NO....
Kapag YES, yes for being the President of the Horizon publication siya... Dream come true talaga.
At kung is a NO...
Sandali siyang napapikit...
Biglang nagflash sa utak niya ang isang mukha... Ang isang lugar...
Sa Anawangin... At si LJ... Ang mainit, romantic at masayang gabi na iyon.
Na kahit na niloko siya ng lalaking yun ay di niya maipagkakaila na hindi niya makakalimutan ang tagpong iyon...
Its unforgettable...
Uncomparable...
Its a yes or a no?
Kung ikaw si Ginny... Anong isasagot mo?
BINABASA MO ANG
9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVE
RomanceGinny is a well known personality, the daughter of the former president of the Philippines, ang editor in chief ng sikat na fashion magazine and fiancé ng isang bigating businessman. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay sa kanyang caree...
