25

634 22 1
                                    

25.

Hmmmm....

Hindi niya alam pero feeling niya ay nilalamon siya ng halik ni LJ. Hindi siya makalaban sa pagsungab nito sa kanyang labi... Sa katunayan ay napapikit pa siya.

She cant resist na sagutin ang halik sa kanya ng lalaking iyon...

She can belive that she is kissing him right now...

Na parang walang katapusan...

Na tila sila lang ang tao sa mundong ito...

Teka lang... Hindi lang sila ang tao sa lugar na yun.

Bigla siyang napamulat ng kanyang mga mata at nagulat siya nang makita niya ang mga luwang mga mata ng mga kasamahan niya na nakangangang pinapanood ang maiinit na eksena nilang dalawa ni LJ.

"Oh Shet!" agad niyang itinulak si LJ at binigyan ito ng malakas na sampal.

"Yan ang dapat sayo! Bastos ka! Hala tumawag kayo ng guard at ng mga pulis, padampot niya ang lalaking ito. He harrased me, maniac siya!"

"What!"

Nagulat si LJ nang dinampot na siya ng mga guwardiya at pinilit na nilalayo kay Ginny.

"Hoy Ginny wag ka mag-maang-maangan... Pareho nating ginusto yun.... Naramdamam ko."

"Shut up Maniac! Sa presinto ka na lang magpaliwanag!" ang sigaw ni Ginny sa kanya habang hinihila siya palayo sa opisinang yun.

"Ikaw nga yun." ang sabi ng pulis makatapos siyang pagkatitigan nito, "Infairness, mas pogi ka sa personal kesa sa internet."

"Sexual harrasment ang kaso mo ngayon dahil hinalikan mo si Miss De Silva, pero baka may iba pa raw siyang ikaso sayo dahil pinilit mo raw siyang sumama sa kanya noon at blinablack mail mo siya. Sayang pogi ka pa naman, may pagkarapist ka pala."

"Hindi ako rapist. Sa maniwala kayo't sa hindi kung anong nangyari sa amin niyang si Ginny parehas naming ginusto yun."

"Alam mo tatapatin na kita, malakas ang laban niyang si Miss de Silva, alam mo naman, anak ng dating Presidente yun."

"Kilala ako ng dating Presidente alam niya kung anong namagitan sa amin ng anak niya."

"Andito na si President de Silva kasama si Mr. Mikee." ang sabi ng isa pang pulis.

"Speaking of the President." ang sabi ng Pulis.

Napatayo si LJ nang makita si AG at ang anak nitong si Mikee.

"Mr President, Kuya Mikee, let me explain."

Nagulat si LJ nang tumulo ang luha ni AG sa harapan niya, "Binastos mo ang anak ko."

"Sir, kami po ni Ginny, nagmamahalan kami, kahit tanungin niyo pa kay Kuya Mikee."

"Alam ko LJ, pero kailangan bang pahiyain mo pa ang kapatid ko sa buong mundo."

"Kuya, yun lang kasi ang naisip kong paraan para mapaghiwalay sila ng Benjie na yun, di ba yun din naman ang gusto mo? Ang magpakatotoo si Ginny sa sarili niya at balikan niya ako."

"Oo, pero hindi ko sinabi sayong ipahiya mo at bastusin ang kapatid ko. Alam mo ba ang trending ngayon ha? Malandi si Ginny, Infidelity ni Ginny, lalakero si Ginny, User si Ginny. At napakasakit sa aming pamilya na pinaguusapan ng ganon kasama ang kapatid ko."

"LJ, mabait kang bata but you know what I hate about you..." ang sabi ni AG, "You keep on hurting my daughter. Teenager pa lang kayo ni Ginny na eskandalo na siya nang dahil sayo tapos heto... Naeeskandalo na naman siya nang dahil na naman sayo."

Napayuko si LJ. OO nga naman... Hindi si Benjie ang malaking tinik sa buhay ni Ginny kundi siya... Dahil lagi nyang nasisira ang pangalan nito sa mga tao.

"Im sorry Sir, Kuya." naiyak siya. Mission failed siya. Bagkos ay... Nasaktan niya ang babaeng hindi niya akalaing ipaglalaban niya at mamahalin niya ng husto.

"Hoy LJ laya ka na."

Lumabas si LJ ng kulungan... Two days na rin siyang nakakulong don dahil sa reklamo sa kanya ng pamilyang de Silva.

'Sino po ang nagpalabas sa akin?"

"Binawi na ni Miss Ginny ang reklamo niya sayo."

"Talaga! Asan siya?"

Natigilan si LJ nang makitang si Benjie Dy at hindi si Ginny ang naghihintay sa kanya sa presintong iyon.

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon