6.4

702 17 0
                                    

"Good Morning Gina." Ang bati ni Ginny sa kanyang sekretarya nang dumating siya sa opisina.

"Madam, may bisita po kayo."

Napahinto si Ginny, "Sino?"

"Yung sister in law niyo po."

Natigilan si Ginny sa kanyang narinig at nagtuloy-tuloy siya sa kanyang kuwarto kung saan nakaupo ron ang sister in law niya at hinihintay siya.

"Ate Mabel, bakit napadaan ka yata?"

Ngumiti ang hipag niya sa kanya, "Gusto ko kasi personally kong ibigay ito sayo." At inabot nito sa kanya ang isang invitation.

Binasa ni Ginny ang nasa loob ng card, "Tenth Wedding anniversary."

"Yes, sampung taon na kami ng kuya mo kaya naisipan naming magkaroon ng re-vows sa simbahan, bilang pasasalamat na rin naming sa masayang pagsasama ng aming pamilya. Dapat nga sabay kaming pupunta ng Kuya mo rito pero bigla kasi siyang nagka-emergency meeting sa Cebu eh." Ang paliwanag pa ng Ate Mabel niya, "Tayo-tayo lang namang pamilya ang andiyan."

Tumango si Ginny sa hipag niya, "Sige Ate, tell Kuya I will come, pero okey lang bang magsama pa ako ng isang kaibigan?"

"Kaibigan? Sino? Bumalik na ba si Benjie galing Shanghai?" ang tanong ni Mabel sa kanya.

"No, ate, wala pa si Benjie. Dadalhin ko lang yung kaibigan kong matagal ko ring na-miss."

'Sige bahala ka. Ayos lang naman sa amin ng Kuya mo yun." Ang sabi ni Mabel, "Oh, aasahan ka namin ng Kuya mo."

"Yes Ate. Thanks for your time na dalhin sa akin ang invitation niyo."

Ngumiti si Mabel at saka lumabas ito ng opisina ni Ginny.

Nang lumabas si Mabel ay biglang tumunog ang cellphone ni Ginny at binasa niya ang isang text mula kay LJ:

Mamayang gabi magkita tayo sa Luneta Park.. sa may dancing fountain.

"Luneta Park. At Luneta park talaga ha. Gusto talaga ng lalaking itong magmemory lane ha. Humanda ka, pagbibigyan kita."

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon