"For our June issue, rainy season issue the cover of our magazine will be kiss in the rain." Ang sabi ng kanyang staff nang pinagmeetingan nila ang magiging concept ng June issue ng Poise Magazine ang leading fashion magazine ng bansa kung saan si Ginny ang editor in chief.
Nagpantig ang tainga ni Ginny sa kanyang narinig "kiss in the rain" bigla siyang kinilabutan.
"No." ang sagot niya, "No way."
"Pero that's so sweet." Ang sabi ng kanyang staff, "Imagine a couple holding an umbrella tapos nagkikiss sila under that."
"Wala na ba kayong maisip na i-suggest kung di yang mga cheesy concepts na yan. I don't like it, it is so... pangit." Tumayo si Ginny sa kanyang kinauupunan, "I want you to change it, present another suggestions tomorrow." Saka ito lumabas ng meeting room at agad-agad na nagtuloy sa ladies' room at nilock ang pintuan nito.
Tumingin siya sa salamin at tinignan ang kanyang sarili, "Tama nay an, Ginny, okey ka na. Okey ka na, okey na siya. Nag-move on ka na nga eh kaya hindi ka na dapat magpaapekto sa mga ganong bagay." Bumuntong hininga si Ginny inaayos ang suot niyang polo at saka muling lumabas ng CR na iyon.
"Ang sweet kaya ng kiss in the rain." Ang narinig na sabi ng kanyang staff nang di namamalayan ng mga ito na nasa likod lang pala siya ng pintuan at nakikinig sa pinag-uusapan nila.
"Eh ayaw nga ni Madam."
"Ano kayang meron sa kiss in the rain?" ang sabi ng isa.
"Alam niyo guys napansin ko kay Mam, ayaw niya ng mga romantic chuchu." Ang sagot naman ng isa.
"Bitter sa love? Eh may boyfriend kaya siya bakit ayaw niya ng romantic scenes? Ano yun hindi sila sweet ng boyfriend niya. Kawawa naman si Mr. Dy."
Nagkibit balikat ang mga staff niya.
"Ahem..." ang sabi ni Ginny sabay labas sa pintuang pinagtataguan niya na ikinagulat ng mga katrabaho niya, "Ano guys may naisip na ba kayong ibang concept?"
"Ahm... nag-iisip na po Madam. Actually, pinag-uusapan na po namin." Ang sagot ng isa sa kanyang mga staff.
"Siguraduhin niyo lang na concept ang pinag-uusapan niyo hindi ibang tao. Anyway, I changed my mind."
Nag-ayos ng upo ang mga ka-grupo niya.
"Bring me your concepts this afternoon and not tomorrow, okey?" sabay alis ni Ginny at pumasok ito sa sarili niyang kuwarto.
Pag-upo niya sa swivel chair niya at tumunog ang phone niya at agad niyang sinagot ito, "Hello, Gina, si Benjie na sa kabilang line okey I take it."
Pinasa ng sekretarya niyang si Gina ang tawag ng kanyang boyfriend na si Benjie Dy ang may-ari ng Horizon Publication, ang publisher ng Poise Magazine.
"Hi, Benj." Ang bati niya rito.
"Hi Babe, kamusta na kayo riyan?"
"Where fine here? Busy lang kami sa next issue ng Poise. How's Shanghai?"
Kasalukuyang nasa China ang boyfriend niya upang asikasuhin ang iba pa nitong negosyo sa bansang iyon.
"Good, namimiss nga lang kita."
Ngumiti si Ginny sa sinabi ng kasintahan.
"Namimiss mo na ba ako?" ang tanong sa kanya ni Benjie.
"Yah, of course." Ang sagot niya rito. Binuksan ni Ginny mula sa PC niya ang isang folder na panay litrato ni Benjie.
Mga picture ito sa China kung saan nakikitang may kasamang iba't ibang babae si Benjie.
"Sige, I hang up na. May gagawin pa ako." Ang sabi ni Ginny at saka binaba nito ang phone.
Pinagmasdan ni Ginny ang mga litrato. Mga kuhang galing sa taong pinasundan niya kay Benjie sa China, "Pa-miss ka pa riyan... sinungaling ka talaga. Pasalamat ka talaga kailangan kita kundi matagal na kitang hiniwalayan."
Tumunog uli ang phone ni Ginny at sinagot niya ito, "Yes Gina, who's on the line?"
"Madam si Mam Yannie po."
Napabuntong hininga si Ginny at napasandal sa swivel chair niya, "Tell her Im in a meeting."
"Madam, wala po sa phone si Mam Yannie andito po siya ngayon sa labas ng office niyo."
Wala nang magawa si Ginny kundi papasukin ang kabatchmate niya nong college na si Yannie.
"Hi!" ang sabi ni Yannie pagpasok nito sa kuwarto niya, "Im sorry my Dear sinadya na talaga kita kasi lagi mo akong ini-isnob sa phone eh." Sabay upo nito sa harapan ng table niya.
"Yannie, if it's about the reunion I'm sorry talaga I can't come." Ang sagot niya agad dito.
"Naku Ginny hindi talaga pwedeng hindi ka pumunta kasi inaabangan ka ng mga kabatchmates natin. Alam mo naman sa batch natin ikaw ang pinakakilala kaya they are really want to see you. Saka don't worry hindi naman makakapunta ang ex mo, nasa Singapore yun."
Napatingin si Ginny kay Yannie.
"At bakit naman napunta sa usapan natin yung lalaking yun dito. Ano naman sa akin kung pumunta siya o hindi, I don't care. Wala na akong pakialam sa kanya, hindi na ako apektado sa taong yun dahil may bago na akong mahal." Ang mataray niyang sagot kay Yannie.
Napangiti si Yannie sa sagot ni Ginny, "Nasabi ko lang kasi tinanggihan na talaga ng ex mo yung invitation namin dahil nga nasa Singapore na siya. Saka, ito share ko lang sayo ha, atin-atin lang... iniisip ng mga kabatchmates natin kaya ka hindi ka makapunta sa mga reunion kasi apektado ka sa nangyari sa inyo ng ex mo."
Napatayo si Ginny sa tsinika sa kanya ni Yannie, "Of course not. Hindi totoo yun, wala na akong pakialam sa lalaking yun. Grabe unfair iisipan nila ako ng ganon dahil lang hindi ako makapunta sa reunion."
Umupo muli si Ginny, sa swivel chair niya, "Okey fine. Pupunta na ako ng reunion. Kahit magpakita pa sa akin yung Mokong na iyon ipapakita ko sa inyo na hindi na ako affected sa kanya. Naka-move on na ako noh!"
Isang black na mini dress ang sinuot ni Ginny sa reunion na yun na ginananap sa isang Five Star hotel.
"Oh, de Silva is here." Agad siyang sinalubong ng mga kabatchmates niya at bineso-beso siya.
"Hi guys how are you?" ang bati niya sa mga ito.
"Grabe Ginny, alam mo subscriber ako ng Poise and I really love your Magazine." Ang sabi ng isa niyang dating kaklase.
"Talaga, salamat." Ang sagot niya rito.
"Hindi mo kasama boyfriend mo?" ang tanong sa kanya ng isa pa niyang former classmate.
"He's in Shanghai right now, busy in his other business there." Isama mo na ang mga babae niya ron.
"Wow, you are lucky to have him. Bagay kayo, a business tycoon and a former first daughter."
Isang ngiti lang ang isinagot ni Ginny sa kanila. Hindi niya kasi alam kung tunay nga siyang maswerte kay Benjie. Yes she's lucky to have him dahil tunay ngang mapapakinabangan niya ito pagdating sa career pero other than that at sa tuwing maiisip niya kung gaano ito kababaero ay di niya na masabing she is so lucky to have him.
"OMG! This is a surprise!" napatingin si Ginny sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Si Yannie yun at may sinalubong na lalaki sa entrance ng function room na iyon.
"Sino yun?" ang tanungan nila ng mga kasama niya.
Napatingkayad din si Ginny dahil na cucurious siya kung bakit napatili si Yannie sa lalaking dumating sa reunion na yun.
Hindi niya napigilan ang pagiging curious kaya lumapit pa siya rito.
"Im glad you're here akala ko hindi ka makakarating."
Tumawid ng diretso ang lalaki at napanganga si Ginny sa nakita niya.
"Akala ko nga rin, bigla kasi nila kasi akong in-assign sa Manila office nila para sa isang project." Napatingin ang lalaking yun kay Ginny.
Maslalong natulala si Ginny nang makitang napatingin at ngumiti pa ang lalaking yun sa kanya. Parang gusto niyang umatras at tumakbo palayo rito.
"Uy, Ginny!" napahinto siya nang tinawag siya nito, "Kamusta ka na?"
BINABASA MO ANG
9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVE
RomanceGinny is a well known personality, the daughter of the former president of the Philippines, ang editor in chief ng sikat na fashion magazine and fiancé ng isang bigating businessman. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay sa kanyang caree...