5.4

864 17 3
                                    

"Hello. Yes I saw it na. Wala na talaga akong magagawa sa lalaking yan, ganyan na talaga siya, kung hindi ko lang talaga siya kailangan. Sige, thanks for your concern. Hindi mo na kailangang magpadala pa ng pictures sa akin, wala rin naman akong magagawa yan, I need to marry him. Sige bye." Lumingon si Ginny at nagulat siya nang makita si LJ na nasa likuran niya.

"L-LJ, kanina ka pa ba?"

"Ha?"

"M-may narinig ka ba?"

Umiling si LJ, "Kararating ko lang. Am.. let's go."

"LJ, Im sorry pero hanggang dito na lang ang first date natin. I have to go home, may tatapusin pa kasi akong trabaho."

"Hindi ba tayo manonood ng sine?"

"May second, third, fourth at fifth pa naman di ba?"

Napansin ni LJ na parang umiiwas na naman sa kanya si Ginny. Ayaw ni Ginny na maging attach uli ito sa kanya.

"Sige Lj salamat sa Frappe." At binuksan ni Ginny ang pintuan ng sasakyan niya.

Nagulat si Ginny nang piglang hawakan ng lalaki ang braso niya, "May nakalimutan ka." Inilapit ni LJ ang labi niya sa pisngi ni Ginny upang halikan siya ron.

Nanlaki ang mga mata ni Ginny sa ginawa ng lalaki at napahawak siya sa pisngi niya.

"Ingat ka."

Napalunok si Ginny, "Ah oo, s-sige, salamat uli." At pumasok na ito ng tuluyan sa sasakyan niya.

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon