5.5

888 19 0
                                    

Pagbaba ni Ginny sa sasakyan niya ay panay ang himas niya sa kanyang pisngi na hinalikan ni LJ habang pumapasok siya sa loob ng bahay niya.

Pagkapasok niya sa loob ng kanyang bahay ay isinarado niya ang pinto at sumandal doon, "Ginny, smack lang yun sa cheeks bakit affected ka, para ka namang teenager, para namang di kayo naghalikan sa lips non at may nangyari na nga sa inyo eh, kahit medyo di mo na matandaan."

Tumunog ang cellphone ni Ginny at agad niyang sinagot ito, "Hello?"

"Kamusta na ang bride to be ko?"

Napaayos ng boses si Ginny nang marinig ang boses ni Benjie sa kabilang linya, "Okey naman. Hows business in Shanghai?"

"Good. Ang dami kong na-meet dito, fantastic!"

Ang dami mong na-meet na babae kamo. Manloloko ka.

"Talaga? Good." Ang nasabi na lang ni Ginny.

"Kamusta ang Poise? Are you done with the June issue?"

"Finafinalize na namin." Ang sagot ni Ginny sa kanya. Natigilan si Ginny nang may narinig siyang boses nang babae sa background. Nag-iintsik ito kaya di niya na gets ang sinabi ng babae, "Sino yun?"

"Ah... w-wala kasamahan ko lang. Sige Ginny may pag-uusapan pa kami ng kasama ko eh. Bye." Sabay binaba ni Benjie ang phone.

Gusto nang iitsa ni Ginny ang phone niya. Naiinis siya kay Benjie napakababaero nito at napakasinungaling. Naiinis siya dahil wala rin siyang choice kundi patulan ang lalaki. She needs him dahil gusto pa niyang mapalawak ang publication ng mga Dy. Gusto niya one day siya na ang maging Presidente ng publication nay un. Tutal naman wala na siyang balak ma-inlove uli kaya magfofocus na lang siya pagpapaganda ng karera niya. Kaya pagtiyatiyagaan niya na si Benjie for the sake of her name and her career.

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon