28 AFTER TWO YEARS...

792 19 1
                                    

Ginny...

Two years ago... May natanggap ako na napakamemorable na regalo mula sa Papa ko, ang dating Presidente na si AG de Silva.

Alam niyang napakalungkot ko non dahil sa eskandalong hinaharap ko.

"How's my beautiful daughter?" ang tanong sa akin ni Papa.

Ngumiti lang ako because Im not fine.

Gusto kong maging katulad ng Lolo Nathan at ni Lola Emy ko non, ni Papa at ni Mama at ni Kuya Mikee at ni Ate Mabel... Pero imposible na yata yun... Dahil ikakasal na ako kay Benjie... Sa lalaking hindi ko naman talaga mahal.

Gusto ko sanang ipakita sa tatay ko na okay ko.. Pero sinungaling ang damdamin ko... Hindi ko mapigilang maiyak ako at mapaakap sa tatay ko.

"Im sorry, isa akong malaking kahihiyan para sayo. Bata pa lang ako dinudumihan ko na ang pangalan mo."

"No anak, dont say that." at tinignan ako ng tatay ko, "Kayo ni Maggi, para sa akin, youre the best daughter in this world and you deserve the best husband in this world."

Inabot sa akin ni Papa ang isang puting envelope.

Binuklat ko iyon at nagulat ako nang makitang plane ticket yun papunta rito... The city that never sleeps... New York.

"Get a new life in NY, anak."

Ngumiti ako at niyakap ko ng mahigpit ang tatay ko.

Bago ako lumipad patungong New York at nagiwan ako ng apology letter sa Publication at sa pamilya Dy.

Hindi ko kayang pakasalan si Benjie... Hindi ko kayang pakasalan ang lalaking di ko naman talaga mahal.

Dahil sa ginawa ko ay umalis na rin si Benjie sa Pilipinas at nanatili na lang sa China. Ang balita ko nagpakasal na siya sa isang purong intsik ron. Im happy for me... Siguro nakita niya na ang happiness niya sa babaeng yun.

Si LJ naman, patuloy na mamayagpag ang career niya sa SIngapore. Hangang-hanga raw ang mga Singaporeans sa galing ni LJ, executive na ang position niya sa company na pinagtratrabahuhan niya at napanood ko pa nga sa TV ang interview sa kanya tungkol sa mga Pilipinong naging successful sa ibang bansa.

"Miss Ginny, the photo shoot is already rolling." ang sabi sa akin ng staff ko.

Isa na akong Magazine editor sa New York, buti na lang at nakilala kong editor sa ng The Poise sa Pilipinas kaya nang paglipat ko ng New York ay saktong nalaman ko na may magbubukas na bagong Fashion magazine dito sa NY at ako agad ang kinuha nila bilang editor nito.

Pinapanood ko ang photo shoots ng mga models habang background nila sa likod ang statue of Liberty.

"Nice one guys. Good job." Ang sabi ko sa kanila.

"Hi Miss Ginny de Silva." ang sabi sa akin ng isang babae na mukhang Pinay din, "Im Dina Santiago of Channel 8 Pinas."

"Yah, kilala kang morning show anchor sa Pilipinas."

"Gusto sana kitang mainvite for interview, we are featuring kasi mga successful Filipinos abroad. Can I invite you for an interview?" Tapos sinabi niya sa akin kung saang hotel at anong oras.

"Okey good. Sige, pupunta ako ron."

Inaayusan ako ng make up artist sa isang room sa hotel na iyon nang kumatok ang director ng documentary show, "Miss Ginny, andito na po yung iba niyo pang makakasama for interview, ready na po ba kayo?"

"Yah, okey na ako." tapos tumayo ako at inayos ang suot ko.

Sinamahan ako papuntang lobby ng hotel na iyon kung saan magaganap ang interview.

Sinalubong ako ng ngiti ni Miss Dina, "You are so pretty in that look Miss Ginny."

Umupo ako sa upuan na sinabi sa akin ng Director, "Thanks for the compliment Dina."

"Yes, you are pretty." napatingin ako sa katabi ko sa upuang iyon.

At napanganga ako nang makita kong katabi ko si LJ!

Shocks anong ginagawa niya rito sa NY!

Di ba dapat nasa Singapore siya!

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon