"Hmmmm..." umikot si Ginny sa pagkakahiga sa kama pero di pa rin bumibitiw sa braso ni Lj na nakapalupot sa bewang niya.
"Huh?" nang maramdaman ang brasong nakapalupot sa bewang niya. Dahan-dahang binuksan ni Ginny ang kanyang mga mata at nagulat siya nang makita ang mukha ni Lj... So close to her... Pati ang paghinga nito ay ramdam na ramdam niya sa sobrang close ng katawan niya sa lalaki.
Napapikit siyang muli.
Ano bang nangyari?
"Lj.. Let's have sex."
Napahawak sa labi niya si Ginny, "Again?"
Napatingin siya sa suot niyang pajamas at napasilip sa loob non.
She has no brassiere.
Pero may panty naman siya.
Pero kahit na, the thing is... May nangyari uli sa kanila. At bakit pajamas na ang suot niya.. Probably sinuotan siya ni Lj ng bagong damit after nilang mag-ano.
Pinagmasdan niya si Lj suot pa rin nito ang polo at pants na suot niya sa party.
Napasilip siya sa medyo unbuttoned polo ni Lj.
Infairness to him... He is still hot on that look.
Napapikit si Ginny, "Ano ba ito? Bakit ko siya pinagnanasahan?"
Na-alarma si Ginny nang maslalong humigpit ang pagkayakap ng lalaki sa kanya.
Shet yung boobs ko wala akong bra!
Napatingin siya sa dibdib niya. Parang nagkacrash ang dibdib niya sa dibdib ng lalaki sa posisyon nilang iyon.
Grabe parang ang init ng pakiramdam ko.
Napatingala siya sa labi ng lalaki.
Napalunok siya nang makitang nakaawang iyon.
Parang iniinvite siyang pumasok don.
Anong gagawin ko? Papasok ba ako?
Umusad siya dahan-dahan pataaas hanggang sa pumantay ang labi niya sa lalaki.
Dahan-dahang inabot ng labi niya ang nakaawang na labi ng lalaki.
"Ahh..." nagulat siya nang biglang gumulong si Lj sa kama palayo sa kanya at napabitiw ito sa pagkaakap sa kanya.
Napahawak siya sa labi niya, "Muntikan na yun ha." at saka siya huminga ng maluwag.
Tumayo siya ng kanyang kama at saka nagtungo ng kanyang banyo upang maligo.

BINABASA MO ANG
9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVE
RomanceGinny is a well known personality, the daughter of the former president of the Philippines, ang editor in chief ng sikat na fashion magazine and fiancé ng isang bigating businessman. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay sa kanyang caree...