27

622 19 1
                                    

27.

"Ako ang pakasalan mo... I wanna marry you. Gusto kitang makasama habang buhay, gusto kong maging masaya ka sa piling ko. Ginny promise kapag ako ang pinili mo hindi ko hahayaang masaktan ka."

Biglang natawa si Ginny sa sinabi ni LJ sa kanya, "I cant believe this. Yan ang mga bagay na inimagine ko nong mga teenagers pa tayo. Nakakatawa pala talaga, nakakatawa ka. Para kang pasahero na pilit sumasabit sa isang jeep na punong-puno na at ayaw ka ng pasakayin. LJ, hindi na ikaw ang lalaking gusto kong pakasalan. Itatak mo yan sa bungo mo. Now will you please let me go bago pa ako sumigaw dito, magpatawag ng mga pulis at ipadampot ka uli?"

Umatras si LJ at hinayaan niyang si GInny na pumasok sa sasakyan nito.

Sumakay si Ginny sa kotse niya at tumingin siya kay LJ na nakayuko at nakasandal sa poste na pinagsandalan niya kanina.

Napahawak siya sa bibig... Di niya napigilan ang sarili niyang umiyak. Umiyak siya ng umiyak kahit anong pigil niya rito at saka niya ini-start ang sasakyan niya upang tuluyan ng makalayo kay LJ.

Pumunta si Ginny sa apartelle kung saan tumutuloy si Suzanne at pinadalhan niya ito ng mga prutas at pera para sa pagpapagamot nito.

Katok siya ng katok sa pintuan ni Suzanne pero walang sumasagot dito.

"Wala na po yung nakatira riyan." ang sabi sa kanya ng babaeng nakatira sa kabilang unit ni Suzanne, "Bumalik na ng China kaninang madaling araw."

"Ha? Hindi man lang sinabi sa akin."

"Di ba kayo si Miss Ginny? Sabi po niya ibigay ko raw po sa inyo sulat na ito."

Kinuha ni Ginny ang letter at binasa niya iyon.

Hi Ginny.

Im sorry if I have to go without telling you, I know you have a problem right now and I dont want to disturb you.

I have to go back in CHina, realizing that what you have told me before is true. Benjie is irresponsible man and I dont want to have a irresponsible father for my baby.

I love my baby, Ginny, more than myself, and I want to take good care of him, I want to give him all the best of this world... even if Im alone.

It seems that Benjie doesnt want me and the baby. And I dont want my baby to feel that he is unwanted thats why I decided to go back to my hometown.

I want to thank you Ginny for all the kindness that you showed to me and to my baby. Ginny you are too good to be with Benjie. You also dont deserve a guy like him.

Follow you heart Ginny and be happy with the great guy that you deserve to have to.

-Suzanne

"Im sorry Ginny, sa ginawa ko." ang sabi ng kanyang Kuya Mikee sa kanya nang dinalaw niya ito sa bahay nila, "Ako kasi ang kumausap kay LJ para balikan ka niya, magkakumtstamba kami sa plano niyang balikan ko. Sana maintindihan mo Ginny na kaya ko naman ginawa yun dahil ayoko si Benjie para sayo. Hindi ka magiging masaya sa kanya. Kung may pinaka nakakakilala sayo ng sobra Ginny, ako yun. Dahil mula nang mga bata pa tayo ay lagi na tayong magkasama at alam ko na hindi mo deserve ang katulad ni Benjie."

Tumango si Ginny, "Pero huli na ang lahat Kuya at kailangan ko ng gawing ang isang bagay na sinabi ko sa harap ng madaming tao... Pakakasalan ko si Benjie."

Tumango si Mikee, "Ginny, pwede ka namang umalis dito sa Pilipinas para hindi matuloy ang kasal niyo."

"Sobrang laki na ng kahihiyan ko Kuya. Nasira na nga ako ng mga pictures namin ni LJ tapos kung tatalikuran ko pa ang kasal namin ni Benjie, mas malaking kahihiyan pa yun. Sirang-sira na ang pangalan ko, ayoko na, pagod na akong ikaladkad ang apelyidong de Silva sa putikan."

"Wag mong isipin yan, nasira ka man sa ibang tao pero hindi sa amin, hindi sa aming mga de Silva dahil kilala ka namin Ginny. Alam namin kung paano mainlove ang isang Ginny de Silva, kapag na inlove ang isang Ginny de Silva ay masaya siya, sobrang saya niya."

"Mikee." pumasok sa kuwarto si Mabel kasama ang teenagers na ngayon na kambal at ang baby nila Mikee, "Halika na, hinihintay na tayo nila Papa at Mama."

Habang nasa sasakyan siya kasama ang pamilya ng kuya niya at di niya maiwasang mainggit. Ang saya-saya kasi ng pamilya ng Kuya niya. Panay ang tawanan nila sa sasakyan at kantahan pa.

SAna magkaroon siya ng ganon kagandang pamilya...

Mangyayari kaya yun sa piling ni Benjie?

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon