6- SECOND DATE

851 18 0
                                    

Second Date

May magandang rom-com movie na palabas ngayon... let's watch it.

Nakasuot ng makapal na shades si Ginny at nakawig upang di siya mapansin ng mga tao na nakikipagdate sa ibang lalaki. Dumating si LJ na may dalang popcorn at softdrinks at inabot yun kay Ginny.

"Bakit ba ang tagal mo?" ang tanong ni Ginny sa kanya.

"Ang haba ng pila sa tiketan."

"Kinakabahan lang kasi ako baka may makakilala sa akin dito, isipin nila pinagtataksilan ko si Benjie."

Napangiti si LJ, "Nakakatuwa ka, like the old days. Nagdidisguise ka non para di ka makilala na ikaw ang first daughter ng Pilipinas."

Nong teenager sila ay nagdidisguise din si Ginny kapag lumalabas sila ni LJ dahil kilalang Presidente pa ng Pilipinas ang tatay niya non at umiiwas siya sa Media.

"Ipaalala raw ba sa akin yung mga kabaliwan ko non."

"Sorry, naremember ko lang nakadisguise ka na naman kasi. Sinong mag-aakala na ang babaeng kasama ko ngayon ay ang dating first daughter at ang editor in chief ng Poise Magazine." Ang sabi ni LJ.

"Tama na tumahimik ka na. Pumasok na lang tayo sa sinehan." At sabay na pumasok sa sinehan ang dalawa.

Natatawa naman ang dalawa sa pinapanood nilang movie nang bigla may nakaistorbo kay Ginny.

"Hmmm...."

Napatingin si Ginny sa katabi niya. Isang couple ang magkayakap at kesa manood ng movie ay naglalaplapan sa loob ng sinehan.

Siniko ni Ginny si LJ, "Lj, pwede ba tayong lumipat ng lugar? Naiirita ako sa katabi ko eh."

Tinignan ni LJ ang katabi ni Ginny at napangiti siya, "Baka naiinggit ka lang."

"Shut up okey?"

"Puno ang sinehan eh. If you want palit na lang tayo ng pwesto?" tumayo si LJ at nagpalit sila ng kinauupuan ni Ginny.

"Ginny." Ang bulong ni LJ sa kanya, "Naalala mo pa ba nong teenager ba tayo nong nanonood tayo ng sine lagi tayong magkaholding hands." At saka nilagay ni LJ ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ni Ginny.

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon