7- THIRD DATE

685 15 1
                                    

Third Date...

Nakasuot ng makapal na shades at wig ay nadatnan ni Ginny si LJ na nanonood ng dancing fountain sa may Luneta Park.

"Lj." Lumapit siya rito at tumabi sa lalaki sa panonood sa dancing fountain.

Parehas silang napangiti sa panonood ng mga fountain nagsasayaw at sumasabay sa background music.

"Nakakatuwa noh." Ang sabi ni Lj.

Tumango si Ginny at napangiti.

Habang nakangiti si Ginny sa panonood nito sa dancing fountain ay hindi niya namalayang nakatigtig sa kanya si Lj at tahimik lang siyang pinagmamasdan.

"Youre beautiful." Ang lumabas sa bibig ni Lj habang nakatigtig sa kasama niya.

"May sinasabi ka?" tanong sa kanya ni Ginny.

Napalunok si Lj, "Sabi ko yung fountain... beautiful."

"Ah... akala ko ako na yung beautiful eh."

Natawa si Lj sa sinabing iyon ni Ginny. Napatingin si Lj sa katapat nilang mga teenage couples na nanonood din ng dancing fountain, "Tignan mo ung mga bata yun, parang tayo lang dati."

"Oo. Yang mga batang yan, inlove kaya sila sa isa't isa?" tanong ni Ginny kay Lj.

Nagkibit balikat si Lj, "Malay natin sa mga edad nila, alam na nila na yung taong kasama nila ngayon.... Yun ang true love nila."

Umiling si Ginny, "Pwede ring sa ngayon true love nila pero after ten years hindi naman pala."

Napansin ni Lj na nag-uumpisa na namang si Ginny na magparinig sa kanya tungkol sa nangyari sa kanila noon kaya hinawakan niya ang tiyan niya, "Ginny, gutom na ako, may nakita akong masarap na kainan diyan, kumain muna tayo."

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon