26

615 17 1
                                    

"I knew it, kaya naman pala familiar ang mukha mo sa akin, you are the man of the scandal of Ginny before, her ex-bf. So kamusta naman ang paglalandian niyo uli nang mapapang-asawa ko?"

"Kung magsalita ka parang di ka malandi." ang sabi ni LJ kay Benjie habang kumakain sila sa isang private at exclusive restaurant, "Babaero ka di ba? Nakabuntis ka pa nga. Ang kapal nga ng mukha mo pa-propose propose ka pa sa harapan ng mga tao akala mo kung sinong loyal kang kuno sa girlfriend mo."

"At least ikakasakal ako sa kanya hindi katulad mo na hanggang past is past at history ng landian na lang."

"Alam mo Benjie Dy, hahayaan ko kayo, hahayaan ko kayo ni Ginny pero sa oras na malaman kong sinasaktan mo siya asahan mo... Hindi na ako natatakot na makulong pa uli para kalabanin ka."

"Pero ang problema LJ, Ginny knows me very well... Alam niya kung sino ang totoong Benjie Dy... At pinili niyang makasama ang totoong Benjie Dy na ito kesa sayo. Ginny chooses being the future President of our publication instead of your love, hindi mo ba naintindihan yun?"

"Naiintindihan ko.. Pero di ako nawawalan ng pag-asang ipaglalaban di ni Ginny kung anong gusto niya... At ako yun."

"COnfident?" sabay tawa ni Benjie sa kanya, "Tignan natin. Sige hahayaan kitang akitin mo pa ang fiance ko. Curious din naman akong malaman kung talaga ngang ipaglalaban ka niya. Let the best man wins, LJ." at itinaas niya ang kopita ng alak kay LJ.

Sa parking lot ng opisina ni Ginny ay naglalakad siya ron nang bigla nang may humila sa kanya at dinala siya sa likod ng isang poste sa parking lot na yun.

"LJ? Anong ginagawa mo rito?" Ang tanong ni Ginny sa lalaki habang nakasandal siya sa posteng iyon at kaharap niya si LJ, "Ano ito? Bagong plano mo? Bagong scandal uli? Teka nasaan na pala yung camera, sa akin ako titingin? Dapat dito sa left side, para mas maganda ang anggulo ko."

"Ginny gusto ko lang magpathank you dahil pinalaya mo ako sa kulungan."

"Hindi ako ang may gusto non kundi si Benjie. Pero kung ako lang ang masusunod, hahayaan na lang kitang mabulok don. Para di mo na ako guluhin. Ngayong nakapagpa-thank you ka na, will you please excuse me at gusto ko ng umuwi."

Paalis na sa sana si Ginny nang bigla siyang pinigilan ni LJ at isinandal uli sa pader na iyon.

"LJ, hindi ka na nakakatuwa... Ano ba talagang gusto mo!"

"Ang gusto ko..." at hinawakan ng lalaki ang magkabilang pisngi niya, "Ang gusto ko... Ako ang pakasalan mo."

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon