10- FOURTH DATE

642 22 0
                                    

Fourth Date

Magkita tayo sa school ground.

"School ground! Ang peste bet na bet talagang magmemory lane." ang sabi ni Ginny habang pinapark ang sasakyan niya sa school ground ng university na dati nilang pinapasukan ni Lj.

Paglabas niya sa kanyang sasakyan ay sinalubong siya ni Lj.

"Hi. Do you still remember yesterday?"

"Oh yes and I hate it." napabuntong hininga si Ginny, "Ano bang gagawin natin dito?"

"Mamasyal. Bibisitahin yung mga old places na madalas nating puntahan noon. Halika na." sabay hinablot ni Lj ang kamay ni Ginny.

First Stop: Library.

"Grabe noh ang ganda rin ng pagkarenovate nitong Library natin saka mas dumami ang libro." ang sabi ni Lj sabay kuha ng isang libro sa isang shelf.

Napasilip si Ginny sa isang shelf kung saan nakita niyang nakatayo ron ang isang estudyanteng babae at lalaki tinatakpan ng isang libro ang kanilang mga mukha.

"Ahh.."

Napansin niyang ang mahihinang boses na yun mula sa mga batang yun. Mukhang di naman nagbabasa ng book ang mga estudyanteng yun kundi naghahalikan sa loob ng library.

"Mga batang ito. Ang sarap kurutin sa singit." ang sabi ni Ginny.

"Naiinggit ka lang. Pwede naman nating gawin eh at least tayo on legal age na."

"Shut up Lj." at nilayasan ni Ginny si Lj.

Second Stop: Sa canteen.

"Dito tayo madalas mag-date talaga." ang sabi ni Lj habang dala-dala ang tray ng sandwich at softdrinks at inilapag yun sa lamesa.

"Ang sarap pa rin ng pagkain sa canteen na ito noh." ang sabi ni Lj habang ngumunguya ng sandwich.

"Yah." sabay inom naman ng softdrink si Ginny at kagat sa sandwich.

May mayonnaise pa sa labi ni Ginny kaya inilagay ni Lj ang thumb niya sa labi ng babae upang punasan ito na ikinagulat ni Ginny.

Tapos sabay dinilaan ni Lj ang mayonnaise na galing sa labi ni Ginny, "Ang sarap."

"Eeww. Kadiri ka." ang nasabi niya sa lalaki.

Third Stop: Classroom

"Ito na yata ang pinakasweet na place sa school na ito." Ang sabi ni Lj nang pumasok sila sa classroom na iyon where they have theor intimate moments together noong estudyante pa sila.

"Okey. Wala namang masyadong nagbago, let's go." Palabas na sana ng room na iyon si Ginny nang hinila siya ni Lj at pinaupo sa isang silya don.

"Hindi pa tayo tapos mag-moment." ang sabi ni Lj sabay luhod sa harapan niya at kinuha ang isang kamay niya.

Halos magtaasan ang mga balahibo ni Ginny nang hinimashimas ng lalaki ang kamay niya at maslalong tumaas ang boltahe niyon nang maramdaman niya ang pagdampi ng labi ng lalaki sa kamay niyang yon."

"Lj, let me go." ang utos niya sa lalaki.

Pero di nakinig si Lj maslalong humigpit ang pagkahawak nito sa kamay niya at inulanan ng halik ang kamay niya.

"Lj tama na..."

Nagulat si Ginny nang bigla siyang hinila pababa ng lalaki upang mahalikan siya niyo sa kanyang labi.

9MAB 6- BLACKMAIL AND LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon