Chapter 7
What the hell.
"Si Camille po?" tanong ko sa katulong nila Camille pagkabukas nito sa akin ng pintuan.
Maagang umalis ng school si Camille na agad ko rin namang sinundan dahil hindi ko kayang makita si Joshua. I still dont know how to react sa mga sinabi nya sa akin kanina. Parang napaka-imposible. We never talked and such kaya how come na magkakaroon sya ng ganoong feelings para sa akin. It's like he's just playing with me.
"Ikaw pala, Lyrae." ngumiti ito sa akin nang makita ako. Madalas ako dito at kakilala ko na rin ang dalawang katulong nila. "Buti't naabutan mo." aniya. "Nagbibihis sya sa kwarto nya dahil may pupuntahan daw sila noong..Henry ba 'yon?"
Tumango nalang ako. "Henry nga po."
"Oh, yun nga!" untag nito. "Akyatin mo nalang sya sa kwarto nya. Paniguradong hindi pa tapos 'yon." sabi nito at agad naman akong tumungo sa kwarto nito.
"Cam.." sambit ko nang buksan ko ang kanyang kwarto.
Kita ko syang sinasara ang zipper sa likod ng suot nyang semi-formal dress na pwede ng pampunta sa mga formal events.
Napatingin ito sa akin na gulat at parang hindi inaasahang magkikita kami. "Rae.." aniya at saka tumalikod sa akin. "Pasara nga, please." pakiusap nito at wala na akong nagawa kundi'y isara nalang ito.
"Salamat." ngumiti ito at saka muling humarap sa salamin para tignan ang kanyang itsura.
"Bukas nga pala, iniinvite ka ni mommy for a dinner." bigla kong sabi dito. "Ang tagal mo na daw kasing hindi nakakapunta sa bahay."
Ngumuso ito. "Sorry, Rae." paumanhin nya. "Bawal ako bukas. May pupuntahan kami ni Henry."
Kumunot ang noo ko. "Hindi ba't aalis na kayo ngayon?" nagsisimula na akong mainis. "Tapos aalis nanaman kayo bukas?"
Humarap ito sa akin at nagspray ng pabango. "Rae, that's how a relationship works." simpleng sabi nito na parang pinapamukha sa aking wala akong kaalam-alam sa mga ganyang bagay. Oo, I may have no experience but with the romantic novels that I've read ay feeling ko'y mas may alam pa ako kesa sa may mga karelasyon ngayon.
"Your relationship with him is not good for you, Cam. Sorry to break it to you but it's true." diniretso ko na sya.
Tumalim ang titig nya sa akin. "You dont know anything about, Rae." aniya. "Ni hindi ka pa nga nagmamahal eh. So, how will you know?" taas kilay nitong tanong sa akin.
I took a deep breath to control the volume of my voice. Ayokong mag-eskandalo dito sa bahay nila. "Books, Cam. Books." mariin kong sagot dito.
She sarcastically laughed. "Books?" tanong nito. "We're in the real world, Rae. Hindi lahat, na-eexplain at naikwe-kwento ng mga librong nababasa mo kaya wala kang karapatang pagsabihan ako tungkol sa relasyon namin ni Henry. This is my life, my relationship." nanggagalaiti nitong sabi. "Kung pupunta ka lang dito para sabihin sakin yan.." huminga ito ng malalim bago ituloy ang sasabihin. "You can now go."
"So, talaga palang napagbago ka na nya." ngumisi ako sa sobrang inis. "Winarningan na kita, Camille. Dont go and beg for my comfort if you're broken ad ruined." buong-loob kong sabi. "I'll go now." sabi ko at mabilis na lumabas.
Tinawag pa ako ng katulong nila para magstay at kumain ng dinner but I'm no longer allowing myself in her privacy. Guess, I'm all on my own now.
"Anak, bakit ngayon ka--" napatigil sa pagsasalita si mommy nang makita akong umiiyak at agad lumapit sa akin para yumakap. "Oh my, baby! Why are you crying?" nag-aalala nitong tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Teen Fiction[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...