Chapter 21
Nothing."Ayos na ba ang lahat?" tanong ko sa mga nag-aayos ng set-ups para sa mga magpeperform mamaya.
"Yup. Wala nang problema dito. Why dont you go sa mga booths at tignan kung ready na para mapapasok na natin sila." ani ng SCC President namin na nagbabantay sa pag-aayos ng mga kailangan dito sa control room sa backstage.
"Sige. I'll go and check." pagsang-ayon ko at agad na pumunta sa grounds kung saan nakalagay ang different booths.
Kinuha ko ang listahan ng mga booths na nandito ngayon at chineck kung nakahanda na ang lahat. Marami nang nasa labas ng gate ng school at hinihintay na buksan namin ito upang makapasok na sila't magsaya.
Annual itong school event na to pero ngayon lang ako napilitan dahil isa ako sa mga nag-arrange ng event. And besides, I need to be responsible and for exposure dahil pinapatakbo nila ako as the SCC President for the next school year. Actually, inaappoint na nila ako but I want to be fair sa ibang gustong tumakbo sa posisyon na 'yon that's why pinatuloy ko ang voting procedure na magaganap next quarter.
"Let the fun begins!" sigaw ng SCC President namin sa microphone at awtomatikong nagsihiyawan ang mga studyante at ang ibang mga outsiders saka nagsimulang magsisigalaw sa kani-kanilang muno. Mapabarkada man o mapag-isa, lahat sila ay may sariling mundo at nagsasaya.
Napangiti ako at akmang aalis na sa kinatatayuan ko upang maglibot ng mahagip ko ang pagflash ng isang pamilyar na camera.
He removed the camera that was covering his face at ngumiti sa akin. "Mas maganda ka pag nakangiti." aniya at lumapit sakin upang pakita ang litrato ko.
"Why are you here?" tanong ko't lumingon sa kanya na nakangiting nakatingin sa litrato ko sa kanyang camera.
Lumingon naman ito sa akin. "Dont tell me na hindi pwede? Open para sa lahat ang event na to. Pwede outsiders." kumindat ito sa akin at tumawa.
Hindi ko alam na may pagka-playful type pala sya. Dahil sa mga nababasa kong libro ay madalas tahimik at seryoso ang mga photographer dahil sa mga pictures nila nilalagay ang mga emosyon nila. Kung ngingiti man sila at makakaramdam ng saya ay very seldom nilang pinapakita. Vocal but mysterious. Yan ang tingin ko sa mga photographer pero binago lahat ni Lawrence ang pananaw ko. Maybe because he's still young. We're still young.
"Okay then." sabi ko nalang. "Maglibot-libot ka lang dyan. May art gallery kami doon sa bandang left swing na gawa ng mga estudyante dito sa school." sabi ko't akmang aalis na ng hawakan nya ang braso ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "What?"
"C-Can you come with me?" nag-aalangang tanong nito sa akin at kumamot sa kanyang ulo. "I mean, uhm--"
"Rae!" rinig kong tawag sa akin ni Anne napapalapit sakin. "Nandyan ka lang pala. Maglibot na tayo...oh. May kasama ka pala." sabay tingin nya kay Lawrence.
"Ah, Anne, si Lawrence. Magt-transfer sya dito sa school natin. Anak sya ni Mrs. Abinal." pakilala ko kay Lawrence. "Lawrence, si Krizianne, bestfriend ko."
"Hi! I'm Krizianne but feel free to call me Anne." naglahad ng kamay ang bestfriend ko na agad namang tinanggap ni Lawrence.
"Lawrence but you can call me Renz." ngumiti ito at agad rin silang bumitaw sa isa't-isa.
"So uhm, una na kami." paalam ko kay Lawrence. "Girls hang-out time. Sorry." pagdadahilan ko nalang.
"No, it's okay." umiling ito't ngumiti. "Ingat kayo sa pag-iikot." aniya at tumango nalang ako saka hinila si Anne upang makapaglibot na kami dahil first time palang ito ma-eexperience ni Anne.

BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Teen Fiction[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...