Chapter 19
Emotionless.Ang daming nagsasabing masaya daw ang magmahal, pero bakit ako nasasaktan? Bakit sobrang sakit?
Ang hirap palang gumising sa umaga na parang may kulang sayo. Na para bang may hinihintay kang text galing sa taong mahal mo gaya ng nakasanayan. Dati baliwala lang sayo ang lahat, pero simula nung nawala na saka mo hinahanap-hanap. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
"It's your fault. You chose that." ani Anne na paulit-ulit nyang sinasabi sa akin twing matatahimik ako o maiiyak-iyak nang dahil sa ginawa noong birthday ko.
Magmula nun ay hindi ko na nakakausap si Joshua. Hindi pa sya pumapasok sa school simula nang mag-Monday pero Wednesday palang ngayon at nagbabakasali akong baka pumasok sya.
I just want to know if he's okay or what. Malaman ko lang na okay sya ay mapapanatag na ako.
"You're the one who pushed him away." ani Anne nang makitang nakasimangot ako pagkaupo ko sa upuan. "Stop whining. Kukurutin ko yang pisngi mo."
Huminga nalang ako ng malalim at kinuha ang librong binabasa ko. It's about a tragic love story. A forbidden love story.
"Oh my gosh! Seriously?!" hindi ako makapagbasa ng maayos ng dahil sa pasigaw na bulungan ng mga nasa harap ko na parang pinapasadyang marinig ko ang usapan nila.
"Yup." masayang tonong sabi ni Dianne, one of Klare's friend. "Sinundo nga daw sya kanina. Bali sabay silang papasok ngayon. Tetext nya daw ako pag malapit na sila."
Napakunot ang noo ko sa pakikinig sa kanila. Sino ba ang tinutukoy nila? What are they talking about?
"Ito na! Ito na!" excited na biglang sabi nito. "Ihahatid daw sya sa classroom! Abangan natin bilis!" at sabay-sabay silang nagtayuan saka pumuwesto malapit sa back door kung saan dumadaan ang mga estudyante.
Nang makirinig ako ng mga tilian ay agad akong napatingin sa pintuan at nanlaki ang mga mata ko seeing Joshua and Klare together. Nakangiting inabot pa ni Joshua ang bag ni Klare sa kanya habang kitang-kita ang pamumula ng pisngi nito nang dahil sa ginawa ni Josh. I cant help but to feel insecure and jealous. Pero ito naman ang gusto kong mangyari kaya ko 'yon ginawa diba? Why am I regretting?
"Bagay na bagay talaga sila!" tili ng isa kong kaklase.
"Sayang si Klare, pre." panghihinayang ng isa. "Pero at least, available na si Lyrae diba?" at naghagikgikan sila saka nagsipag-apir.
I rolled my eyes sa mga narinig ko at nakita kong napatingin sa gawi ko si Joshua na agad namang nawala ang mga ngiti sa labi.
I looked away saka nagkunwaring nagbabasa pa rin ng hawak-hawak kong libro.
"Grabe, kailan pa kayo naging ganyan ni Josh?" rinig kong tanong ng isa habang nakasunod lang sila kay Klare na patungo ngayon sa upuan nya na confident na confident sa paglalakad.
"Actually, he texted me last night and he wanted us to start a new." masayang sagot nito. "He wants to try if our relationship will work kaya we're taking it slow."
"You mean, nililigawan ka nya?" usyosyo ng isa.
"Hmm, not yet?" nag-aalangang sabi nito. "But maybe, soon. As I've said, we're taking things slow. We dont need to rush." sabay ngiti nito at napahinga nalang ako ng malalim.
"You may now take your break." ani ng teacher namin.
Mahaba ang break namin ngayon dahil shortened lang ang mga subjects namin. May magaganap kasi na event bukas at kailangang maagang makauwi ang mga estudyante para maayos ang school sa nasabing event. Pero syempre'y hindi ako makakauwi dahil isa ako sa mga student council na kailangang tumulong sa pag-aayos ng school para bukas.
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Teen Fiction[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...