Chapter 11
Text.
"How 'bout this one? Or this one?" sabay pakita ko kay Anne nang dalawang klase ng skater skirt. Isang plain white at isang chekered. "Ano mas bagay dito sa damit ko?" tanong ko habang tinaas ang damit kong hanging sweat shirt.
Naningkit ang mata ni Anne saka ngumisi nang nakakaloko. Kumunot ang noo ko't binaba ang mga pinakita kong damit. "What?" tanongko dito't umiling lang sya saka ngumisi.
Tumayo ito sa bean bag at tumungo sa tabi ko upang tinignan ng mas malapit ang dalawang skater skirt na ipinakita ko.
"Wag mo nga akong lokohin, Anne." I frowned. "Alam ko 'yang mga ngitian mong 'yan. Ganyan ka rin kung makangiti sa kuya mo twing iniinis mo sya sa akin." puna ko.
Napalingon naman sya sa akin at mas lumawak ang ngisi. "Yiee! Naaalala nya si kuya." inis nito sa akin at napailing ako.
"Ewan ko sayo. Nasisiraan ka nanaman." sabi ko nalang and she chuckled.
"It's just, ngayon lang kita nakitang mag-effort manamit." nagkibit-balikat ito't pinakita sa akin ang white skater skirt. "This one's good." aniya.
"Lagi naman akong ganitong manamit." sabi ko nalang at kinuha na ang mga damit.
"Oo nga. Ganyan ka nga manamit." aniya at muling ngumisi. "Pero para pagpilian mo pa ang dalawang skater skirt at tinawag mo pa ako sa kwarto para lang tanungin ang opinyon ko ay may something talaga."
Suminghap naman ako. "Anne, kahit papaano. Kahit pagbali-baliktarin man natin ang mundo, first date ko parin si Joshua." sabi ko.
Lumiwanag naman ang kanyang mukha. "So inaamin mo ng first date mo na sya?" shs squeaked. "Oh my God! Oh my God! Oh my God! This is really something!" hindi makapaniwala nyang sabi.
Umiling nalang ako at sinuot na ang damit ko. Pagkalabas ko ay agad kong kinuha ang side bag ko't lumingon kay Anne na kanina pa nags-scroll sa kanyang iPod touch. "Tara na, Anne."
Itinabi nya naman ang kanyang iPod at tumingin sa wall clock ng kwarto ko. "Ang aga pa ah." sabi nito.
10:30 palang kasi at 12 ang usapan namin ni Josh. Ewan ko kung bakit gusto ko ng pumunta. Siguro, ayaw ko nalang magpaspecial na late kesyo babae ako or what.
"Ah basta! Tara na." at hinila ko na sya kaagad pababa ng sala when I saw my mom and dad na palabas na rin ng bahay.
"May lakad ata ang prinsesa ko ngayon ah." ani daddy at lumapit ako dito para humalik sa pisngi maging kay mommy.
"Ahm, magm-mall lang po sana kami ni Anne. Gusto nya daw po kasing mamasyal dahil matagal daw rin po syang nawala sa Pilipinas." dire-diretsong sabi ko. "Sorry po at hindi po ako kaagad nakapagpaalam." I bit my lower lip sa kabang nararamdaman ko. Kapag nalaman ni daddy na makikipagkita ako sa isang lalaki ay tiyak nang magkaka-automatic na gera at bahay lang ako magdamag.
I heard mom chuckled ay inilabas ang kaniyang wallet. "It's okay, Rae. May baon ka pa ba?" at saka kumuha ng cash worth five thousand sa kanyang wallet.
Tumango ako at ngumiti. "Wag na po, 'mmy." pagtanggi ko. "Dala ko po card ko."
"Extra cash na yan." ani mommy at inilagay sa kamay ko ang pera.
"Baby, ako na dapat ang nagbigay sa kanya ng pocket money." biglang sita ni daddy kay mommy.
"May pera naman ako." sabi nalang ni mommy.
"But still, ako dapat. I'm the father." daddy insisted.
"Okay lang, Sean. Hindi ko rin naman nagagastos ang pera ko dahil ikaw lahat. It's just a little amount." ani mommy.
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Fiksi Remaja[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...