Chapter 14
Kulit."Lyrae, please. Talk to me. Please." paulit-ulit nyang sabi simula nang makita nya ako sa canteen para bumili ng makakain for lunch.
Akala ko'y hahayaan nya nalang ako dahil hinayaan nya lang ako kaninang recess pero hindi ko akalaing mas kukulitin nya pa ako ngayong lunch. I thought he already gave up. Bakit ba ayaw nyang tumigil? Mas lalo lang akong bibigay sa kanya kapag hindi pa sya tumigil.
Hindi ko nalang sya pinansin at pumasok sa library upang hindi nya ako makulit ngunit nagkamali ako dahil paulit-ulit lang sya sa pagsunod at pangungulit sa akin.
"Ano ba, Josh! Hindi mo ba nakikita yung sign?" inis na pabulong na sabi ko at tinuro sa kanya ang sign na may nakalagay na SILENCE PLEASE.
"I wont keep quiet until you tell not to stop. Hanggang sa mapag-usapan natin ang tungkol kay Klare." sabi nya't hindi man lang hininaan ang boses. "Bakit mo ba ako pinipilit sa kanya, Rae? Sayo lang ako diba? Sayong-sayong lang ako kaya wag mo naman akong ipamigay sa iba."
Umiling nalang ako't pumunta sa kabilang section ng library pero patuloy pa rin sya sa pagsunod. "Rae, please. Let's talk."
"Mr. Sy." babala sa kanya ng librarian ngunit para syang walang narinig.
"Lyrae, wag mo naman akong iwasan oh. Please lang naman." punong-puno na ng frustration ang boses nya. "Gagawin ko ang lahat, wag mo lang akong iwasan at palayuin."
Tumigil ako at humarap sa kanya. "Date Klare then." hamon ko sa kanya at naningkit pang lalo ang kanyang singkit na mga mata.
"I'll do anything wag lang yan." he stated. "Hindi natuturuan ang puso, Rae. Kung ikaw ang mahal ko, ikaw lang. Wala ng iba." aniya. "And I'm not open for flings. I wont date her just because you told me too. Mahal kita at paninindigan ko yun."
"Mr. Sy, keep quiet. Please." muling paalala sa kanya ng librarian.
Pumikit ako upang pigilan ang sarili ko sa pagiging apektado sa mga sinasabi nya. "Then I wont so.." tumalikod nalang ako at nagpatuloy pa rin sya.
"I wont stop, Lyrae. I wont stop." aniya't sinusundan parin ako.
"Mr. Sy, please go out of the library now." sita sa kanya ng librarian. "You're making too much noise inside the library. Dont you know the policies?"
"I know about the policies, ma'am." rinig kong sagot nya habang kunwaring naghahanap parin ako ng libro. "But for I'm willing to bend that policies just to talk to her."
"This is not the right place for commotion, Mr. Sy. Graduating ka at baka gusto mong i-hold ko ang library clearance mo't hindi ka makagraduate." banta sa kanya ng librarian at agad akong napatigil sa paghahanap ng libro.
"Then that would be great then." sarkastikong sabi nito at lumingon na ako sa kanya na seryosong nakatingin sa librarian namin. "Magiging ka-batch ko na sya at sabay pa kaming g-graduate if that happens."
Halata namang hindi kinaya ng librarian ang sinabi nito't mukhang inis na inis na. "You're really getting into my nerves, Mr. Sy." mariing sabi nito. "Then if you want that so--"
"Ma'am!" agad na akong sumingit. "I'll handle this one. Sorry for disturbing you and the other library users." paumanhin ko at agad na hinila si Joshua palabas ng library.
Nang makarating na kami sa labas ng library ay agad kong binitawan ang pulso ni Josh at humarap sa kanya.
"What were you thinking?!" singhal ko sa kanya.
"I just wanted to talk to you. Kanina ko pa sinasabi yun but you keep on turning away." kalmado nyang sabi.
Huminga naman ako ng malalim. "Josh, tigilan mo nako please." frustrated kong sabi. "Si Klare nalang. Wag na ako."
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Ficção Adolescente[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...