Chapter 44
Not Now.Naging tahimik ang mga tao sa sinabi ni Josh at ang tanging sumira lang ng katahimikan ay ang biglang pagsigaw ni Jasmine.
"Yes, babe!" sigaw nito. "The wires aren't cut yet." dagdag pa nito.
Nalipat naman ang tingin ni Josh sa kanya at nagthumbs-up pa si Jasmine saka inaya nang bumaba si Josh na tinanggal na ang gitarang nakasukbit sa kanya.
"Uhm, excuse me lang." sabi ko at tumayo sa kinauupuan ko nang makitang sinalubong ni Jasmine nang masayang yakap si Josh nang bumaba ito ng stage. "Bathroom break lang." dagdag ko nang makita ang nag-aalalang mata sa akin ni Kyle.
"Okay. Dito lang kami." ani Anne na nakahilig kay Lawrence na mukhang nags-selfie nanaman silang dalawa dahil biglang ngumiti si Anne pagkalingon sa phone ni Lawrence.
Tumango nalang ako at akmang tuluyan ng aalis nang hawakan ni Kyle ang braso ko upang pigilan sa pag-alis.
"Want me to come with you?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kyle.
I chuckled at saka umiling. "Magc-cr lang ako. Kaya ko na ang sarili ko." pagtanggi ko.
Marahan kong binawi ang braso ko saka ngumiti sa kanya bago tuluyang pumunta sa bathroom sa labas ng auditorium.
Inilapag ko ang aking side bag sa counter at saka tinignan ang sarili ko sa salamin.
"Tiis lang, Lyrae." bulong ko sa sarili ko. "Tiis lang at malalagpasan mo rin to."
Naghugas ako ng mabilis saka sinuklay ang aking nakalugay na buhok na mukhang nagkabuhol-buhol na ang dulo nang dahil sa pagtatakbo't mga aberyang nangyari kanina.
"You can do it." ngumiti ako sa salamin saka huminga ng malalim.
Paglabas ko nang comfort room ay agad napawi ang ngiti ko't nakitang nakasandal lang sa pader si Josh habang nasa bulsa ang kanyang dalawang kamay.
Napalingon ito sa akin nang makitang kakalabas ko lang galing comfort room na agad naman akong umiwas ng tingin.
Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagpatuloy lang sa paglalakad nang bigla nya akong harangan na dahilan ng paghinto ko sa paglalakad.
"Uhm, excuse me." sabi ko nalang at umakmang hahakbang na sa kabila nang harangan nya rin ito.
Nag-angat ako ng isang inis na tingin sa kanya na natabunan lang ng isang malalim na pagtitig nya sa akin na kung pwede lang akong matunaw ay sa palagay ko'y tunaw na ako.
"Ano bang problema mo?" inis kong tanong sa kanya na pinantayan ang kanyang titig.
"Alam mo kung ano ang problema ko, Rae." simpleng sabi nya.
Kumunot ang noo ko and I rolled my eyes at him. "Alam mo, I dont know what you're talking about." sabi ko. "And what do I care kung anong problema mo? Is it my problem too para malaman ko?" sarkastiko kong tanong.
"You are my problem, Rae." seryosong sabi nya't hindi ako tinatantanan ng mga titig nya.
Para naman akong natauhan sa kanyang sinabi't napagtantong sino pa nga ba ang magiging problema kundi ako lang.
I know. I know and he doesnt need to tell it to me. I know my place and I know where to stand.
"Eh di kung ako naman pala ang problema mo, I better go back sa loob at puntahan ang mga kasama ko kaysa bigyan ka pa ng problema." I sarcastically said as I took a step away from him.
"Kanino ka babalik?" tanong nyang nagpatigil sa akin.
Kanino ako babalik? Double meaning ba ito o sadyang ako lang ang nagbibigay ng kung anu-anong kahulugan sa mga binibitawan nyang salita?
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Teen Fiction[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...