Chapter 8

158K 4.3K 303
                                    

Chpater 8

Trapped.

"Anne naman eh.." I pouted habang sya nama'y tumatawa.

Nags-skype kami ngayon dahil nakita nya ang tinag sa akin na post ni Joshua. Hanggang sa Canada ay umaabot ang kalokohan na ginawa nya.

"What if nga kung seryoso naman talaga sya sayo?" she asked while chuckling. "Wouldnt you give him a chance?" she added. "I mean, he's almost perfect dahil wala namang perpektong tao."

Kumunot ang noo ko. "I bet my one day of studying and ask him to date me for a day if he's really serious like what you think." confident kong sabi.

Tinaas nya ang kilay nya na parang pinipigilan pang tumawa. "Well then, ilang araw nga ba tinatagal ng mga manliligaw mo?"

"A week." nagkibit-balikat ako. "Seven days."

"Okay then! 7 days it is." untag nito at pumalakpak. "Kapag nakatagal sya ng 7 days in courting you, you'll ask him to date you for a day." hamon nito at hindi ko alam kung bakit hindi ako masyadong kampante sa bet namin na 'to.

"D-Deal!" I answered, stuttering and she chuckled again.

"This will be fun!" excited nyang sabi. "I wish I was there para makita ko live na live ang mga happenings dyan." biglang lumungkot ang aura nito at pati ako ay nakaramdam din ng lungkot.

I sighed. "Kailan ka ba kasi babalik?" I frustratedly asked. "Talaga bang dyan ka na magtatapos ng highschool? Cant we graduate together?"

Nagkibit-balikat ito. "I dont know." aniya. "Kuya's going home and mom is planning na sumama na ako kay kuya dahil may kasama na ako sa Pilipinas." she said at para akong nabuhayan ng loob. "Dyan sya magco-college and I hope na pumayag si daddy na sumama akong umuwi. I miss Philippines, I miss you and Camille." she pouted at bigla ko nanamang naalala si Camille.

I took a deep breath na agad napansin ni Anne.

"Something wrong?" she asked at suminghap ako.

"I dont know if I should say this but Camille is..." I dont know if I should continue. Para ko na syang binackstabbed kapag sinabi ko 'to kay Anne. Ayoko namang pati si Anne ay sumama ang loob sa kanya na alam kong mangyayari dahil alam kong ayaw rin ni Anne ang mga nangyayari ngayon.

"Just continue, Rae." aniya nang mapansing ayaw ko ng ituloy ang sasabihin ko. "It's for our friend's sake too. Alam kong hindi ka magkakaganyan kapag hindi malala ang problema but I guess it is."

I sighed. "She have a boyfriend." I stated at napanganga sya.

"May boyfriend si Cammy?!" gulat na tanong nito. "Kailan pa? Bakit hindi sya nagk-kwento sa akin?"

"End of 2nd year life." walang gana kong sagot.

"Why didnt she tell me?" nagtatampong tanong nito and she pouted.

"Kung ako ngang nandito sa Pilipinas, hindi nya makausap eh. Ikaw pa kaya." I stated and she looked curious.

"Just tell me what happened already." aniya at dumapa sa kama nya saka nangalumbaba na parang hinihintay ang bawat detalyeng sasabihin ko.

"Ayun nga! Nagkaboyfriend sya at nalayo na sya ng tuluyan sa akin." panimula ko. "Noong summer ay lagi silang umaalis na dalawa. Twing pupunta ako sa kanila ay lagi syang wala." kwento ko. "Nito namang first day ay 'yon pa rin ang kasama nya. Until earlier, bago ako umuwi ay dumaan ako sa bahay nila. Nagkasagutan kami about her boyfriend being a bad influence as what I can see." dagdag ko. "May bumagsak syang grade and I dont know which subject it is. Parang ang relasyon nalang nila ang sineseryoso nya and leaving others behind."

Hindi sya nagsalita at hinyaan lang ako sa pagsasabi ng mga hininaing ko tungkol kay Camille.

"Ayos lang sana na magkaboyfriend sya but she should know her limitations and priorities." I stated. "It's like she's a new whole Camille. Parang hindi na sya ang bestfriend natin."

Ilang sandali ding nanaig ang katahimikan bago sya magsalita muli. "I really should go home right now." determinadong sabi nito. "Hindi p-pwedeng ganito tayong tatlo. Never pa tayong nag-away-away and then with just one boy, masisira ang lahat. I wont let that happen." umiling-iling na sabi nito. "Ano ba ang pangalan ng boyfriend nya?" she suddenly asked.

"Henry." I simply said. "Henry David Bustamante." I said fully and her expression changed.

"Henry Bustamante?" she repeated na parang hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "As in, Henry David Roda Bustamante?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi ko alam kung ano ang middle nya but I guess that's him. R nga ang middle nya." sabi ko nalang. "Do you know him? May alam ka ba tungkol sa kanya?" curious na tanong.

I wanna know everything about him. I wanna know his background and all.

Agad naman itong napailing. "W-Wala." nauutal nitong sabi. "N-Naririnig-rinig ko lang dati noong nasa Pilipinas pa ko ang pangalan nya."

I know she's lying. I can sense and feel it. Ang paraan palang ng pagsasalita nya ay halatang may tinatago na but I dont want to interfere her. Si Anne ay isang taong kapag ayaw nyang sabihin ay ayaw nya talaga. Kapag pinilit mo sya, baka makainisan ka lang nya and I cant afford that to happen. I already lost Camille and I cant take it anymore if she's gonna be angry with me too.

"Ganon ba?" sabi ko nalang. "I thought you know him."

She frustratedly laughed. "H-Hindi no!" aniya na patawa-tawa pa. "Ako? Eh mag kaparehas tayong mailap sa lalaki, kaya paano ko sya makikilala diba?" defensive nyang sabi at sumang-ayon nalang ako.

"Ma'am Lyrae, nandito na po tayo." bigla akong nabalik sa realidad nang magsalita si manong. Kanina ko pa iniisip ang mga pwedeng mangyari ngayon lalo na nang dahil sa ginawang pagta-tag sa akin ni Joshua sa post nya. "May problema po ba kayo?" nag-aalalang tanong nito kaya agad naman akong ngumiti at umiling.

"Hindi po." I answered. "May iniisip lang po." sabi ko at kumaway para lumabas na ng kotse.

Pagkapasok ko sa main gate namin ay puro mga titig na ng mga babae ang sumalubong sa akin na tila'y nagbubulungan pa.

Hindi ko nalang ito pinansin at dumiretso na sa locker room para kunin ang mga morning books ko. Binuksan ko ang locker ko at may nalaglag na note galing dito. May maliit na bouquet rin na parang ginagamit ng mgaflower girls kapag may kinakasal.

"I'll meet you at the rooftop. At lunch." basa ko sa nakasulat sa note na nalaglag. "J-Josh.." nauutal na banggit ko sa pangalan nito.

"So, ikaw pala talaga."

Halos patalon akong lumingon sa nakapamewang na si Klare sa may pintuan. Matalim ang titig nito sa akin na hindi mo alam kung ano ang gagawin nya sa akin.

"What a bitch." mariin nyang sabi at sinara ng todo ang pintuan.

I'm trapped with her. Shit.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon