Chapter 15
Pepero."Mommy, hindi nyo na po dapat inaway si daddy." nakangusong sabi ko nang makarating kami sa kwarto ko.
Kanina kasi'y nagsagutan pa sila ni daddy dahil gusto ni mommy na magpaligaw ako kay Josh samantalang ayaw naman ni daddy. Tingin ko'y matinding tampuhan at suyuan nanaman ito knowing mom's condition. Mahirap syang suyuin sa mga oras na 'to.
"Hay nako, Rae." singhal nito. "Ayokong maging diktator ang daddy mo. Wag ngayong buntis ako at baka makunan pa ko sa kunsumisyon." biglang lumungkot ang ekspresyon ni mommy saka tumabi sa akin.
I know how hard it is at hindi ko alam kung paano namin iyon nalampasan. It's good to know na okay parin kami, si mommy after that.
"So who's that guy?" sabay ngisi ni mommy upang maiba ang mood.
"Mom!" singhal ko dito. "Kilala nyo nanaman po sya eh. Nagpakilala na po sya kanina." pagdadahilan ko nalang dahil as much as possible ay ayokong sumagot sa mga tanong nya.
"Hindi 'yan ang gusto kong malaman." she said at mas lumapit sa akin. "I want to know more informations like gaanong katagal ka na nya nililigawan. Something like that." she added at ngumisi ng nakakaloko.
"Mom, first of all, hindi nya po ako nililigawan dahil hindi po ako nagpapaligaw." pambungad na sagot ko dito. "Second, nagsimula po syang mangulit sa akin noong sumali po ako ng Miss Intramurals nung 1st year."
"Since first year?" hindi makapaniwalang tanong ni mommy. "Eh bakit ngayon lang sya napadpad dito sa atin?" curious na tanong nito.
"Noong first year po kasi, naglalagay lang po sya ng mga letters sa locker ko. Then noong second year po, naglalagay po sya ng isang long stem red rose everyday na may pasok at walang palya. At ngayon pong third year, first days of classes last month ay nagpakilala po sya." sagot ko. "Iniiwasan ko po sya dahil ayoko pong suwayin si daddy na studies' first cause he doesnt want me to get hurt so early and neither do I." at isama mo na rin na ayokong masaktan si Klare which is one of my close friend. Well, ewan ko nalang ngayon.
Huminga naman ng malalim si mommy bago muling magsalita. "Dont worry about your father, Rae. He's just over protective because you're our only daughter." she explained. "If you want to give that Josh a chance then do it. Cause I also want him for you."
Para lang akong tanga na inaalala ang bawat salitang binitawan ni mommy. Ang hirap dahil ang dami kong pinanghahawakan na dahilan kung bakit kailangan kong iwasan at pigilan si Josh. Una ay tungkol nga kay Klare. Pangalawa naman ay dahil kay daddy. Pangatlo, natatakot pa akong pumasok sa isang relasyon. Pang-apat naman, I really wanted to have only one priority which is studies at alam kong hindi ko 'yun mapapanindigan once na pumasok ako sa ganung sitwasyon. At panglima, I dont wanna get hurt. Ayokong masaktan. Ayokong maloko. Ayokong maiwan.
"San ka galing?" tanong ko kay Anne nang marinig ko ang pagyapak nito sa hagdan nang dahil sa heels ng kanyang black shoes.
"Bakit gising ka pa?" balik nyang tanong sa akin.
"Nauuhaw ako." simpleng sagot ko saka pinakita ang baso ng tubig na hawak-hawak ko na may kaunting bawas na.
"Ah. Sige. Akyat na ko." aniya at akmang aakyat na ng tuluyan nang muli ko syang tanungin.
"San ka nga galing?" mas madiin kong tanong sa kanya at agad lumambot ang kanyang tikas saka muling humarap sa akin.
Huminga ito ng malalim. "Follow me." sabi nito't nagsimula ng umakyat muli na agad ko namang sinundan hanggang sa makarating kami sa kwarto nya.
Pumunta sya sa study table nya at may inilabas na may kalakihang box sa pinakaibabang drawer nito saka lumapit sa akin at umupo sa higaan. Binuksan nya ito't nagsilitawan ang magagandang envelope. Nang inangat nya ito ay mayroon ding iilang pictures. Pictures nila ni Henry. At sa pinakailalim ay may isa pang maliit na box na may lamang silver bracelet with an airplane pendant.
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Teen Fiction[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...