Chapter 32
Reply"Anne.." hinihingal na sambit ko ng tumigil na sa pagtakbo si Anne pagkalabas namin ng bahay nina Lawrence.
"Rae!" tawag sa akin ni Josh at rinig ko ang patakbong mga yapak nya papalapit sa akin.
Naging tahimik kaming tatlo. Tanging paghinga lang naming tatlo at ang ugong ng ingay galing sa loob na muling nagbalik ang naririnig ko nang biglang nagpakawala ng makapagdamdaming mga hikbi si Anne habang nakatakip ang kamay sa kanyang mukha.
Sumisikip ang dibdib ko habang pinapakinggan ang mga hikbi nya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang kausapin at patahanin sya when I know na isa rin ako sa mga dahilan kung bakit sya nagkakaganyan.
"A-Anne.." nauutal na sambit ko at binaliwala ang takot na magalit sya sa akin saka niyakap sya ng mahigpit. "I'm sorry.."
Hindi ko na napigilan ang pagluluha ng mata ko nang mayakap ko sya at mas naramdaman ang sakit na dinadanas nya.
Humarap sya sa akin at niyakap ako ng mas mahigpit. "R-Rae, bakit ganon?" nauutal na tanong nito. "What's wrong with me? Is there any problem with me?" insecure na tanong nito.
Humiwalay sa pagkakayakap upang ipakita ang sarili sa akin.
"Ano bang mali sa akin?" aniya.
Umiling ako at pinilit na ngumiti. "You're beautiful, Anne." I stated. "You're very beautiful and there's nothing wrong with you."
"Pero bakit ganon?" tanong nito. "Bakit hindi nya ako makuhang magustuhan? Bakit ikaw na kahit alam nyang meron na ay pinipilit nya parin?" iyak nito. "Bakit ikaw at hindi ako?"
Kinagat nya ang kanyang ibabang labi at yumuko saka napuno ulit ng paghikbi nya ang paligid.
"Lyrae--Anne.." napalingon ako sa likuran at nakitang kakadating lang ni Lawrence na mukhang hinihingal rin.
Matalim na pagtitig ang binigay sa kanya ni Joshua habang papalapit sya sa amin.
I know that Josh's controlling himself from jealousy because of what happened earlier but I'm thankful na wala syang ginagawa. Okay na ang mabibigat na mga titig nya kay Lawrence pero huwag muna sana syang gumawa ng eskandalo dahil kailangan ni Lawrence at Anne ng oras para sa isa't-isa. Hindi naman magandang tignan na nag-uusap sila at may pasa sa mukha si Lawrence.
Unti-unting nag-angat ng tingin si Anne at agad pinunasan ang mga luhang tumutulo galing sa kanyang mga mata na namumugto na sa kakaiyak.
"W-Why are you crying?" nauutal na tanong nito kay Anne at nakikita ko ang concern sa mukha nito.
Umiling si Anne at ngumiti. "Napuwing lang ako doon sa loob." pagdadahilan ni Anne. "Sensitive masyado ang mata ko kaya kinailangan kong lumabas dahil naiiyak ako sa sakit."
Umawang ang bibig ni Lawrence na para bang merong gustong sabihin ngunit tinikom nya lang ito at huminga ng malalim. "I think you need to rest." aniya.
Tumango naman si Anne. "Yes. I will. Salamat sa concern." ngiti nito at lumingon kay Josh na palagay ko'y nasa likod ko lang dahil amoy na amoy ko ang pabango nya. "L-Let's go, Josh." saka lumingon sa akin at tumango. "Rae.."
Ngumiti nalang ako sa kanya at lilingunin na sana si Josh nang bigla itong maglakad papunta kila Anne at Lawrence.
"I'm so done watching this drama." he stated.
"Josh!" saway ko sa kanya.
Punong-puno na ng kaba at takot ang itsura ni Anne samantalang si Lawrence ay nagtataka sa sinasabi ni Joshua.
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Novela Juvenil[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...