Chapter 46
Kidnap."Ma'am.."
Nakarinig ako ng pagkatok ng isang staff sa kwarto ko na agad naman akong napatayo sa aking kama upang pagbuksan ito.
Pagkabukas ko ay may hawak ang babaeng staff na limang paper bags.
"Pinapabigay po ni Sir Joshua." sabi nito sa akin at iniabot ang mga paper bags na agad ko ring kinuha. "And magpalit na po daw kayo dahil the dinner will be serve in fifteen minutes, susunduin nalang po namin kayo. Salamat po." dire-diretsong sabi nito at agad umalis.
Ngumuso ako't inilapag ang mga paper bags sa sofa saka isa-isang tinignan ang mga laman nito.
May mga undies that are exactly my size kahit tignan ko palang at isang one piece swimsuit na kulay black. May dalawang casual dresses, isang maong shorts and a crop top. Meron ding flip flops at doll shoes na fit sa aking paa.
How did he know my sizes? Hindi ko naman sya sinasabihan dati tungkol sa mga size. Lalo naman sa mga undies ko. I will never tell him kung anong size ng mga ito.
I took a quick shower at isinuot ang isang floral dress na binili nya na pinartneran ko ng doll shoes saka ni-clip ang buhok ko sa isang side.
Hindi rin naman nagtagal ay sinundo na ako ng babaeng staff kanina na nag-abot sa akin ng mga damit.
"Uh, miss?" tawag ko sa atensyon nya.
"Yes, ma'am?" simpleng lingon nya sa akin.
"Si Joshua? Sabay ba kaming kakain?" tanong ko sa kanya.
"Opo, ma'am." sagot nito. "Nandon na po sya at inaantay nalang po ang pagdating nyo." dagdag pa nito.
Ginapangan naman ako kaagad ng kaba nang dahil sa sinabi nya. Mag-uusap na talaga kami ni Joshua ngayong gabi.
Nakarating na kami sa beach at nakita ko ang nakaset-up na candle lit dinner sa di kalayuan habang nakatingin lang sa akin si Josh na naka khaki shorts, simple white shirt and a flip flop.
"Thank you." ngiti nya sa staff na naghatid sa akin.
"You're welcome, sir." sagot naman ng babae at agad ring umalis upang iwan kaming dalawa.
Wala nang nags-swimming sa dagat kahit na mas masarap magswimming kapag gabi dahil wala ng araw at hindi ka iitim. Medyo malalakas din ang alon at pati na rin ang hangin.
"Here. Take a sit." ani Josh at pinag-usod pa ako ng upuan.
"Uhm, thanks." tipid kong ngiti saka umupo at sya rin naman ay umupo na sa tapat ko.
Panay ang paghinga ni Josh ng malalim at ang pagkagat nya sa kanyang ibabang labi na para bang kinakabahan sya.
"A simple dinner will do, Josh." I uttered habang sinasalinan nya ako ng white wine. "Hindi naman kailangang ganito pa." dagdag ko.
"I want to do this, Rae." aniya. "I want to fill every moments na nawala sa atin. Dapat ay gagawin ko 'to nung anniversary natin pero.. hindi tayo umabot eh." tipid syang ngumiti at napabuntong hininga. "Let's just eat first. Baka lumamig ang pagkain." pag-iiba nya ng topic.
Hanggang eleven months nga lang pala ang inabot namin ni Josh dahil bago pa mag-January ay wala na kaming dalawa.
"Uh, sige." sabi ko nalang at nagsimula na kaming kumain.
Tahimik lang kaming kumain dahil wala ni isa sa amin ang gustong magsalita saka ang tatlong favorite dishes ko ang nakaserve ngayon kaya hindi ko na ipagkakailang marami akong nakain ngayong gabi at hindi ko talaga sya makakausap dahil seryoso ako sa pagkain ng paborito kong pagkain.
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Teen Fiction[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...