Chapter 48

127K 3.4K 335
                                    


Chapter 48
Set-Up

"I-I'm with Josh, 'ddy.."

Wala akong ginawa kundi ang lumunok ng paulet-ulet at maghabol ng hininga sa sobrang kaba nang sabihin ko 'yan kay daddy bilang sagot kung sino ang kasama ko.

Kita ko ang pagkunot ng noo ni daddy at ang kanyang mga mapanuring mata na nakatuon ng maigi sa akin na para bang wala syang gustong palagpasin sa nagiging ekspresyon ko sa sobrang kaba.

"With Josh, Rae?" kunot noong tanong ni daddy. "As in Joshua Christian Sy?" paninigurado nito sa akin.

Huminga ako ng malalim at saka unti-unting tumango. "O-Opo, daddy." nauutal kong sagot.

"And why were you with him? I mean, you two broke up almost two years ago. How come that you're with him?" naguguluhang tanong ni daddy na tila hindi pa naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Nagkita po kami ulit nung grand reunion sa alma mater namin." panimula ko. "And nagulat nalang po ako na bumisita sya dito satin. He asked me if we can talk and I agreed dahil mas maganda na po ang makapag-usap kaming dalawa. I thought that around Manila lang kami mag-uusap when he asked me out pero umabot po kami sa Batangas and stayed there for two days." kwento ko.

Ramdam ko na ang pamamawis ng aking mga palad nang dahil sa sobrang kaba at paulet-ulet ko itong pinupunas sa laylayan ng aking tee shirt habang pinipilit na maglakas loob na makwento kay daddy ang buong detalye.

"W-We talked, dad.." kagat labi kong sabi na hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang susunod na detalye kung ano ang nangyari pagkatapos naming mag-usap.

I mean, how should I tell daddy na nagkabalikan na kami ni Josh nang hindi sya magrereact sa kung ano ang ginawa sa akin ng mommy ni Josh.

"And you got back together?"

Nag-angat ako ng tingin kay daddy ng ipagpatuloy nya ang nais kong sabihin sa kanya.

"O-Opo.." nauutal kong sagot. "I'm sorry, 'ddy.." agad kong dagdag.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakita kong ngumiti si daddy o magtataka't pupunuin sya ng tanong kung bakit parang masaya syang nagkabalikan kami ni Josh instead na i-armalite nya ako ng mga words of wisdom nya at mga pangaral nya.

"Why are you saying sorry?" nakangiting tanong sa akin ni daddy.

Tell me. Am I dreaming? Am I in the real world? Is this reality?

Lumapit si daddy sa akin saka inipit ang nakatakas kong buhok sa aking tenga.

"You dont have to be sorry, Rae." ani daddy. "I already told you na kung saan ka masaya, doon ako." he added. "Alam ko naman na hindi kayo susugal ulit kung hindi kayo masaya at lalo na kung hindi nyo talaga mahal ang isa't-isa."

God, ano po ba ang ginawa nyo sa daddy ko?

"But are you two sure about this?" biglang seryosong tanong ni daddy. "You two are about to go a huge wave. A very huge wave to be exact." dagdag nya.

Ngumiti naman ako upang masigurado si daddy na alam na namin ni Josh ang gagawin naming dalawa.

"We're just going to surf over that wave, dad." ngiti ko. "We can pass through it specially if we're together."

Huminga ako ng malalim at inalala ang mga sinabi ni Joshua na kung handa akong ipaglaban ang kung ano ang meron sa aming dalawa ay mas magiging malakas at matatag ang relasyon namin upang malagpasan ang pagsubok na yon.

"I know we can, dad. We wont back down." I stated.

Ngumiti naman si daddy saka umakbay sa akin.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon