Epilogue"Nick, catch!" sigaw ko kay Nick sabay hagis sa kanya ng bola.
Papababa kami ngayon galing sa classroom namin sa third floor dahil may sasabihin daw saming basketball boys varsity na guidelines para sa intrams dahil kami ata ang parang mag-aassist.
"Oh, eto na, eto na." ani Nick habang nagpapakitang gilas sa pagd-dribble ng bola.
"Pass, Nick! Pass!" naeexcite namang sabi ni Yves na tumatalon-talon pa habang winawagayway ang kamay sa ere.
Marahan akong napatawa dahil pag kaming tatlo talaga ang nagkakasama-sama ay walang nangyayaring matino sa amin. Buti nalang at wala pa si Rico dahil inaayos na nya ang pila sa baba para sa parade.
"Catch!" untag ni Nick.
Bumuwelo pa si Nick palikod at malakas na inihagis kay Yves ang bolang hawak-hawak.
"Ah!"
Napatawa si Nick nang makitang lumagpas at hindi nasalo ni Yves ang bolang inihagis nya samantalang ako'y nakatingin lang sa babae kung saan kami papalapit na natamaan ng aming bola.
Yumuko sya at hindi ko ganoong makita ang kaniyang itsura dahil kinuha nya ang bolang inihagis namin sa lapag.
Mabilis na akong lumapit sa kanya at agad namang sumunod sila Yves at Nick na ngayo'y pare-parehas kaming napatigil nang magsalita't mag-angat ito ng tingin.
Parang ngayon ko lang sya nakita dito sa school. Imposibleng hindi ko makita ang isang katulad nya.
She has that innocent face, expressive eyes na halos matunaw ka nang dahil sa kanyang tingin. May kaputian din ito pero tama lang na mas nagpaganda sa kanya.
"Cant you watch where you're going?" inis na sabi nito. "Hindi naman court ang corridor para dito kayo magdribble ng bola. Pumunta kayo sa gym kung gusto nyong maglaro. Nakakatama kayo ng bola eh." mabilis na sabi nito.
"Sorry."
Ako na ang nanghingi ng paumanhin kahit sila Nick at Yves lang ang tunay na my dahilan.
"We're sorry." ulit ko. "Hindi naman namin sinasadya eh."
She sighed at naamoy ko ang mabangong hininga nya na amoy strawberry bubble gum. It's sweet and addicting.
"Sana sa susunod mag-ingat nalang kayo para wala na kayong matamaan." aniya at halos hindi ko masalo ang ichinest pass nyang bola sa akin.
Napangisi nalang ako sa ginawa nya at hindi ko maiwasang mamangha sa kanya. Pinaglaruan ko ang bola sa aking kamay saka mas lumapit pa sa kanya.
Sya lang ang babaeng hindi tumitili kapag kinakausap ko ng ganito. Minsan naman ang iba'y hindi matago ang pamumula ng kanilang pisngi. Baka pag lumapit pa ako sa kanya ay hindi na nya mapigilan dahil kapag ganoon ay agad ko na syang lalayuan.
I dont want someone who's easy to get. Gusto ko yung pinaghihirapan ko dahil dun ko malalaman kung totoo ba ang nararamdaman ko sa kanya at hindi isang fan feeling lang.
"Sorry ulit." muli kong panghingi ng paumanhin at inilahad ang kamay ko. "Joshua nga pala."
Hindi ko sure kung hindi nya ba talaga ako kilala o nagkukunwari lang talaga sya. Pero para makasigurado, magpapakilala na ako sa kanya.
Pinigilan ko ang paniningkit ng aking mga mata nang makitang nakatingin lang sya sa aking nakalahad na kamay na hinihintay ang pagdampi ng sa kanya upang makapagpakilala ng pormal.
"Sirius." simpleng sabi nya at mabilis na umalis.
Napangiti ako ng iwanan nya sa ere ang aking kamay kahit na punong-puno na ng pagkantsaw sila Yves at Nick sa akin dahil sa ginawang pangs-snob sa akin.
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Novela Juvenil[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...