Chapter 20

142K 3.6K 370
                                    

Chapter 20
Office.

"Lawrence, okay ka lang?" binaliwala ko si Josh at lumapit kay Lawrence upang tulungan itong pulutin ang kanyang salamin at ang kamerang nahulog. "Nako! Pano pag nasira to?" kinakabahang tanong ko habang kinakalikot ang kamera nya at nagpasalamat ako dahil nag-on pa ito at walang basag ang screen at ang lens nito. "Yes! Gawa pa." buntong hininga ko.

"I'm fine. Dont worry." aniya at nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's smiling at me like crazy.

Inaamin kong may itsura sya lalo na kapag walang suot na salamin. Mas makikita mo ng mabuti ang mata nyang nangungusap na natatakpan ng kanyang salamin.

"Ahm, salamin mo oh." abot ko sa kanya nang eye glasses nya na agad nya namang sinuot at sinunod ko na ang pag-abot ng camera nya.

Magsasalita na sana muli sya ng umalingawngaw ang boses ni Josh. "Give me my ball back, please." madiing sabi nito.

Napatingin naman dito si Lawrence at yumuko upang kunin ang bola saka hinagis patungo kay Josh na walang kahirap-hirap nitong sinalo.

"Thanks!" sigaw na pasasalamat ni Josh na akala kong aalis na ngunit mas lumapit ito sa amin saka pinaikot-ikot ang bola sa kanyang kamay. "Ahm, I believe na bawal ang outsiders sa amin hangga't hindi pa 4pm."

"I'm Lawrence Abinal, your principal's.son." pakilala ni Lawrence at nilahad ang kanyang kamay. "Pasensya na pero I've been permitted by my mom to roam around the school."

Tinignan naman ni Josh ang kamay nitong nakalahad. "Joshua Sy, basketball varisty captain ball." pakilala nito sa sarili saka nag-angat ng tingin kay Lawrence at binaliwala ang kamay nitong nakalahad.

"A-Ahm, tara, Lawrence." ako nalang ang kumuha ng kamay ni Lawrence. "Ililibot kita sa school." sabi ko nalang upang maiwasan ang awkwardness sa aming tatlo.

"O-Okay." ani Lawrence at nagpatianod nalang sa akin nang muling magsalita si Josh.

"Oh!" singhal nito. "Doing your job as a student council, right, Lyrae?"

Huminga naman ako ng malalim at lumingon sa kanya. "Yes." mariing sabi ko at nakita ko sa likod, sa di kalayuan ang dalawang team mate nya. "And you, as a team captain, do your job too. Hindi yung pinaghihintay mo yung mga ka-team mates mo." I stated. "At diba, sabi ko sayo last two years na kapag magb-basketball ka, sa court. Hindi sa labas para hindi ka nakakatama." I added at tinitigan nya lang ako nang hindi ko maintindihan ang nararamdaman nya. "Para wala kang masaktan." sabi ko saka tumalikod at hinila ng tuluyan si Lawrence.

Binitawan ko naman kaagad ang kamay ni Lawrence nang makalayo-layo na kami kay Josh.

"U-Uhm, ikaw na bahalang maglibot. May aayusin pa ako eh." sabi ko nalang at akmang papasok na sa SCC office nang hawakan nya ang braso ko.

"I thought you'll tour me." umaasang sabi nito.

"Ah, eh..nakalimutan ko kasing mag-aayos pa kami para sa event--"  

"Renz!" rinig kong tawag ng isang pamilyar na boses ng babae.

Napalingon naman kaming pareho sa pinanggalingan non at agad kong binawi ang braso ko.

"Mom!" untag nito at may mapang-inis na ngiti ang principal namin nang makalapit ito sa amin.

"Good afternoon po, Mrs. Abinal." nakangiting bati ko dito.

"Good afternoon din, Lyrae." aniya at hindi na ko nagulat nang malaman kong alam nya ang pangalan ko dahil madalas kaming makipag-usap sa kanya lalo na kapag may prinepresent kaming new projects. "Tapos na ba ang preparations para bukas?" tanong nito.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon