Chapter 28

126K 4K 1.1K
                                    


Chapter 28
Board.

"Rae, hindi ka ba talaga pupunta ng prom?" tanong sa akin ni mommy habang nasa hapag kainan kami upang kumain na ng early dinner dahil maagang nakauwi ngayon si daddy galing sa office.

Napalingon rin sakin si daddy. "You're not going to prom, Rae?" ulit nito sa tanong ni mommy.

Umiling ako at ngumiti.

"Why?" kumunot ang noo nito. "Wala ka bang damit na maisusuot?" tanong nito sa akin. "I can ask my secretary to buy a dress for you. What color ad style do you want?" pagp-prisinta ni daddy. "Mabilis lang namang mabibili ang dress mo. Anong oras ba prom nyo ngayon?" dagdag na tanong nito.

"No need, daddy." sabi ko nalang. "It's just..ayoko lang po talagang pumunta." ngiti ko sa kanya at nagkatinginan silang dalawa ni mommy.

"Are you sure, Rae?" paninigurado ni mommy.

"Yes, mom." I assured them at napatango nalang sya saka bumaling kay Anne.

"How 'bout you, Anne?" tanong ni mommy kay Anne. "Hindi ka rin ba pupunta?"

"Uhm, pag-iisipan ko pa po, Tita." sagot nito at bumalik sa pagkain.

"Ano bang meron sa mga kabataan ngayon at parang ayaw nyong magprom?" natatawang sabi ni mommy.

Hindi nalang kami sumagot ni Anne at nag-usap nalang sila mommy't daddy tungkol sa binyag ni Vini. Pinag-uusapan nila kung magiging grande pa daw ba ang reception or simpleng kainan lang with the family at kung saang simbahan nila papabinyagan si Vini. Pagtinatanong kami ni Anne tungkol sa mga ideas namin about Vini's christening ay saka lang kami nagsasalita.

Nang matapos kaming kumain ay agad na akong umakyat sa taas. Natulog lang ako dahil maya-maya'y prom na. Baka pilitin pa ako ni mommy'ng umattend ng prom.

"Rae?"

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang tawag ni Anne sa labas ng kwarto ko habang marahang kumakatok ng ilang beses.

Huminga ako ng malalim at dinilat ang aking mga mata saka umupo sa kama para i-bun ang buhok ko bago tumayo upang buksan ang pintuan si Anne.

"Anne?" hindi makapaniwalang sambit ko ng kanyang pangalan at nagdire-diretso lang sya papasok ng kwarto ko saka humiga sa aking kama. "H-Hindi ka aattend ng prom?" tanong ko sa kanya at umiling lang sya saka pinikit ang kanyang mga mata.

Hindi sya nakaayos at mukhang mas handa pa sya sa aking matulog dahil nakasuot na sya ng kanyang pantulog samantalang ako'y naka-shorts at isang maluwang na tshirt dahil wala naman talaga akong balak pumunta ng prom.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa aking kama.

"Bakit?" tanong ko dito at huminga sya ng malalim saka umupo rin sa tabi ko.

"What's the use?" balik na tanong nya sakin. "I have no date and you're not going, so why do I have to go? Ayokong tumanga lang don." dahilan nito.

"Hindi ka inaya ni Lawrence?" tanong ko sa kanya.

Huminga sya ng malalim at saka umiling. "Ano ka ba, Rae." aniya at pinilit na ngumiti. "Ikaw nga yong inaya nya diba?"

Kumunot ang aking noo sa sinabi nya. "Alam mo?" I asked her.

Tumango sya. "Nagpatulong sya sakin." aniya. "I told him to do it simple. Just give you a rose and ask you out." sabi nito. "And I assumed na ginawa nya nga. Diba?" at lumingon ito sa akin.

"I turned him down, Anne." pinaalam ko na sa kanya dahil baka akalain nyang pumayag ako.

Ngumiti sya sakin. "Of course, you turned him down." aniya. "Hindi ka naman magkukulong dito kung pumayag ka eh."

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon