Chapter 16

156K 3.6K 298
                                    

Chapter 16
Share.

"Baby, tama ba ang ginagawa ko?" nakatulalang tanong ko. "Tama ba ang ginagawa ni ate?"

Nakatingin lang ako sa puntod ni lola, ang nanay ni mommy dahil dito nila isinama ang naka-jar na labi ng dapat na magiging kapatid ko kung hindi lang nakunan si mommy. Baby boy ito at four months na rin nang makunan si mommy.

Ang akala ko nung nakunan si mommy ay hindi nya kakayanin at posibleng magkaroon sya ng mental breakdown noon. Sobrang nasaktan si mommy nang nakunan sya. Sinisisi nya lagi ang sarili nya. Bawat araw ay gustong-gusto nyang saktan ang sarili nya. Saying that she was so careless. Lagi naman syang niyayakap ni daddy, telling her that maybe it was destined. Madalang na rin ata akong umalis sa tabi ni mommy noong nangyari yun dahil alam kong kailangan nya ako. Kailangan nya ang anak nya.

Lahat ginawa namin ni daddy para ma-comfort si mommy and gladly, she recovered. And another blessing came. A new baby boy in my mom's womb. Ang baby'ng dinadala ngayon ni mommy sa kanyang sinapupunan. Kaya mas protektado ngayon ni daddy si mommy at mas mabilis rin itong maparanoid kapag lalabas ng bahay or mag-isa lang si mommy. We're all scared to have another miscarriage. It's too painful for our family.

"Alam mo bang gusto ni mommy si Joshua?" para akong tanga na patuloy lang na kinakausap ang puntod. "Joshua Sy. Manliligaw nga pala ng ate mo dahil mommy already agreed and surprisingly, daddy also agreed." pagpapakilala ko kahit hindi ko naman kasama si Josh. "Alam mo bang para akong nahahati sa dalawa ngayon? One side of me is pushing me towards Joshua but the other one is pushing me away because of all valid reasons inside my mind." I continued.

My Filipino teacher once told me about corazon over razon. Mas ginagamit daw ang puso kaysa sa utak. But looking at my self right now, mas ginamit ko ang utak ko kaysa sa puso ko. I'm thinking more about what could happen than trusting what my heart wants. Ngayon ay parang gusto ko nalang maging tanga. I want to use more of my heart pero laging pumapasok ang mga possibilities na nabubuo sa isip ko.

I'm all fucked up.

"Rae, why dont you invite Josh for your sixteenth birthday?" biglang sabi ni mommy habang kumakain kami ng dinner. "He can be your escort. Sweet sixteen, baby girl." dagdag ni mommy at nakita kong ngingisi-ngisi si Anne samantalang muntik ng masamid si daddy.

"I thought that it was gonna be a simple intimate dinner?" pagtataka ko. "Family dinner, mom. Remember? That's what we've plan."

"Well, change of plans." simpleng sabi ni mommy at ngumiti. "I already started organizing your simple birthday party. Dapat ay maging memorable dahil you are now turning sixteen. Kahit dito lang sa garden natin kung gusto mong makatipid."

"Mom, I told you that I'm okay with just a family dinner. Wala naman po sa akin ang pagiging sixteen years old ko. Nadagdagan lang po ang edad ko. That's all. There's no need to organize a party." pagpupumilit ko and mom started to sulk.

Tumikhim naman si daddy at pinunasan ng table napkin ang bibig. "Just listen to your mother, Rae." he stated. "Like what your mother said. We want it to be memorable."

"Yes, dad." I sighed at tumango nalang dahil si daddy na ang nagsalita. Wala ng usapan pang magaganap once daddy decides. Si mommy lang ang nakakapagpabago ng isip ni daddy. But since si mommy nga ang may gusto't idea nito, I have no choice but to keep quiet and agree with them.

Pumalakpak naman si mommy sa sobrang galak. "Okay then. It's already settled!" na-eexcite na sabi nito. "Just text Joshua about it or maybe give me his number. Para may contact na rin ako sa kanya."

Nanliit naman ang mga mata ko. Why would she need Josh's number? For contact or communication? Para saan? For what?

"Ahm, sure, mom." nag-aalinlangang sabi ko pero agad kong dinikta ang number ni Josh. Lagi namang dala ni mommy ang phone nya. Laging nasa tabi nya.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon