Chapter 22

147K 3.5K 589
                                    

Chapter 22
Siguro.

"Uhmm.." para akong natauhan sa ginawa kong pagyakap kay Joshua ng tumakbo ako paalis ng stage dahil sa sobrang hiya lalo na ng makita kong nakatulala lang si Josh na parang hindi pa makapaniwala sa nangyari.

Narinig ko ang bulungan ng mga tao at ang pagtawag sa akin ni Anne at lalo na si Joshua.

Nang makarating ako sa hallway ay nagulat ako ng may yumakap sa akin ng mahigpit. Hindi ko na kailangang mag-angat ng tingin dahil amoy at tindig nya palang ay pamilyar na pamilyar na sakin.

"Lyrae." untag nya at huminga ng malalim. "Please tell me that I'm not dreaming cause if it's a dream, then I dont want to wake up anymore."

Niyakap ko rin sya ng mahigpit. "Dont worry." I sighed. "You're not dreaming." dagdag ko at hinigpitan nya rin ang yakap nya sa akin.

This time, I'm going to take the risk. This time, I'm not going to be scared anymore. This time, I'm gonna let you know how I feel.

"Hindi parin ako makapaniwala." aniya at napapailing pa habang nakangisi. "I mean, ikaw at ako? Pangarap ko lang dati yon. Ngayon, nasakin na. Hawak-hawak ko na." ngumiti ito at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Sasagot na sana ako nang matanaw ko si Klare na nakatingin sa aming dalawa na punong-puno ng pagsusumamo at pagtataka.

"K-Klare.." sambit ko at agad nawala ang ngiti sa mukha ni Joshua saka lumingon rin kay Klare.

"J-Josh.." nauutal na sambit nya habang diretsong nakatingin kay Joshua. Kinagat nito ang kanyang labi at yumuko. Nang makarinig kami ng iilang hikbi ay marahang binitawan ni Josh ang kamay ko upang puntahan si Klare.

Napatingin lang ako sa kamay ko nang bitawan nya ito. Ito na ba yung kinakatakot ko na kapag umiyak at magmakaawa si Klare ay sya ang pipiliin nito at hindi ako? Katulad ng ginawa ni Henry kay Anne?

"Klare, I'm so--" napatigil si Josh sa pagsasalita at nag-angat ako ng tingin nang makita kong nakayakap na ng mahigpit si Klare dito.

"You told me that we will start a new. That we will try again" panimula nito. "T-That you will try to love me instead of her." iyak nito. "Pero bakit ganon? B-Bakit kailangan mong bumalik sa kanya? Kaya naman kitang pasayahin eh. Kaya kitang mahalin ng buong-buo. Please, Josh..wag na sya. Ako nalang."

"Klare, I told you that it wouldnt be easy. I told you na hindi ko sya kayang kalimutan ng ganon-ganon lang." ani Joshua. "Hindi porkit nasaktan nya ko ay kakalimutan ko na sya. Cause I wont and I cant. But still, pinilit mo ako sa gusto mo na subukan natin when I told you na mahirap at baka masaktan ka lang--"

"Kasi mahal kita!" sigaw ni Klare at mas humigpit ang yakap kay Joshua. "Mahal kasi kita eh."

Iniwas ko ang aking tingin. I cant look at them like that. Lalo na si Klare. I cant look at her hurting like that lalo na't alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit sya nasasaktan. Feeling ko ay napakawalang kwenta kong kaibigan dahil nagawa ko syang saktan ng ganito.

"B-But I dont, Klare.." mahinahon na sabi ni Josh at inilayo si Klare na kanina pa nakayakap sa kanya. "Klare, hanapin mo ang lalaking para sayo cause I believe that it's not me dahil hindi mapapalitan ng kahit na sino ang pagmamahal ko kay Lyrae." aniya."Klare, ayokong saktan ka pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko dahil si Lyrae talaga ang mahal ko. And I wont be sorry for that."

Umiling-iling naman si Klare sa kanyang narinig at namataan ako. Napalitan ng nag-aalab na galit ang kanyang mga tingin galing sa isang nasasaktang titig. Mabilis itong nakalapit sa akin at akmang sasampalin ako ng agad itong napigilan ni Josh.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon