Chapter 31

140K 3.3K 391
                                    


Chapter 31

Nobody Compares.

"Anne--" napatigil ako sa pagpasok sa kwarto nya nang bumungad sa akin ang mga dress nyang nakakalat sa kwarto nya.

"Hey--oh." napatigil rin sa gilid ko si Josh na tila'y napatulala rin sa itsura ng kwarto ngayon ni Anne.

Patuloy lang sya na pabalik-balik sa cabinet nya at sa mga damit na nakalat na nya. Pinupulot nya ang ibang nalaglag na saka titigan pero ilalaglag din ulit.

"Please, tell me I'm dreaming." bulong sa akin ni Josh na hindi makapaniwala. "I never thought that girls are really like this." dagdag pa nya at lumingon ako sa kanya.

"Not all girls, Josh." mariin kong sabi saka inirapan sya at tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto ni Anne.

"Uh, except my baby. Of course." pahabol nyang sigaw at pumasok na rin.

Huminga ako ng malalim at pinulot ang mga hinulog nyang mga dress sa lapag. Tinulungan din ako ni Josh at kinukuha sakin ang mga dala-dala ko upang wala akong buhatin na mga damit.

"Put it there." turo ko sa kanya sa kama ni Anne at agad nya namang inilagay doon.

Hinarap ko naman si Anne na ngayo'y nakatitig lang sa harap ng kanyang cabinet.

"Krizianne, ano bang problema mo?" kumunot na ang noo ko sa kanyang ginagawa.

Lumingon sya sakin na problemadong-problemado. "I dont know what to wear." umupo ito sa harap ng dresser nya at yumuko.

"Wow." hindi makapaniwalang sabi ni Josh sa dahilan kung bakit nagkakaganon si Anne.

Nilingon ko sya at pinanglakihan ng mata upang mapatikom ang kanyang bibig na agad naman syang tumahimik na kunwaring tinitignan lang ang mga dress na nagkalat sa kama.

"Anne, just pick the dress that you like the most." ngiti ko sa kanya saka hinawakan sa balikat.

"That's exactly my problem." she stated.

Tumingin sya sa mga dress nyang nasa kama at nakitang pinaglalaruan na ito ni Josh kaya mabilis syang tumigil na parang wala syang ginagawa.

Napailing nalang ako and I slightly chuckled. "Bading." I murmured saka muling nakinig sa mga hinanaing ni Anne.

"Parang lahat ng mga dress ko pangit." aniya. "Wala akong magustuhan sa kanila." dagdag pa nito.

"Anne, birthday lang yan ni Lawrence." biglang singit ni Josh saka tumayo at kinuha ang isang pastel color na dress with a touch of glitters saka binigay kay Anne. "I think this one suits you the most." he stated.

"You think so?" tanong nito kay Josh habang tinitignan ang dress.

Tumango naman si Josh at umakbay sakin. "Right baby?" ngiti nya sakin at lumingon ako kay Anne.

"Try it." nakangiting sabi ko sa kanya at agad naman syang tumango saka pumasok sa banyo nya upang isuot ang dress.

Birthday kasi ni Lawrence ngayon at halos buong batch namin ay invited dahil na rin sa principal nga ang mommy nya.

Buti nga't na-contact nya kami lalo na't summer pa ngayon. Sana'y buo ang klase namin pero mukhang hindi dahil ang mga iba'y nagbakasyon na.

"Narinig ko yung binulong mo kanina ah." ani Josh at tinaasan ako ng kilay.

Pinigil ko ang ngiti ko at umiwas ng tingin sa kanya. "Wala kaya akong sinabi." pagmamaang-maangan ko.

"Talaga lang ah?" tumango-tango ito sa akin saka ngumisi. "Bading? Hmm. Sino kaya?" at mas nilapit nito ang mukha nya sa akin.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon