Chapter 18
Matters."You want salad, Anne?" alok ni mommy kay Anne ng salad na ginawa nya kani-kanina lang. "Mukhang ayaw mo ng main course." puna nito.
Kanina pa pinaglalaruan ni Anne ang tinidor na hawak nya at tinutusok-tusok ang crab meat sa harap nito pero hindi nya man lang sinusubo. Tatlong araw na syang ganito at ngayon nalang sya ulit nakasabay ng pagkain sa amin dahil lagi syang walang gana o di kaya'y nagsosolo sya.
Umiling naman ito't ngumiti. "I'm fine, Tita." sabi nito. "Maybe later." dagdag nya at saka sinubo ang crab meat na kanina pa nakatusok sa kanyang tinidor.
Tumingin naman sakin si mommy na parang tinatanong kung ano ang problema ni Anne pero nagkibit-balikat nalang ako and she sighed saka muling tumingin kay Anne na pinaglalaruan ulit ang pagkain.
"By the way, Rae, natext ko na si Josh kung anong oras bukas ang party mo para hindi sya malate." masayang sabi ni mommy at muntik ng maibuga ni daddy ang iniinom nya.
Pinanlakihan sya ni mommy ng mata at agad na umayos si daddy saka muling humarap sa akin ng may inosenteng ngiti.
"Kung gusto nyo'y gumala muna kayo ni Anne the night before your party para makapagrelax man lang kayo." ani mommy. "I'll pay for it. Dont worry." dagdag nito.
Sasabihin ko na sana na okay lang kung nasa bahay ako pero agad akong naunahan ni Anne. "Thank you, Tita." bigla nitong sabi. "I really need some relaxation."
Ngumiti naman si mommy dito. "No problem."
Hindi na rin ako umapila dahil baka nga kailangan talaga ni Anne ng isang relaxation. Siguro'y sa Face Basics nalang kami doon sa mall.
"Did you really change your number?" tanong sa akin ni Anne nang nasa kotse na kami papunta sa mall.
It's already my birthday. Sa lahat ng naging birthday ay hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dati naman ay nagkaroon na ako ng birthday party pero ngayon lang ako talaga kinabahan.
"Uh, yeah." simpleng sabi ko habang kinakalikot ang librong nilagay ko dito sa sasakyan para lagi akong may binabasa kapag umaalis at bumabyahe.
"You're really going to do it, huh?" hindi makapaniwalang sabi nya't umiiling-iling pa.
I sighed. "I dont want to offend you pero ayokong mangyari sakin ang ginawa sayo ni Henry." I tried to sound not so offensive dahil alam kong sariwa parin sa kanya ang lahat ng mga nangyari. "Look how hurt you are. Nakikita palang kitang ganyan, hindi ko na kaya. Pano pa kung sakin yan mangyari?"
"Not all guys are like Henry, Rae." seryosong sabi nito. "At nakikita kong seryoso sayo si Joshua. You just have to believe him. You have to trust his love for you. Hindi yung binubulag ka ng mga nangyari sakin." aniya. "Me and Henry is a wreck while you and Joshua is a different story. You just have to make it happen. You have to take the risk."
"But I dont want to get hurt.." kinagat ko ang aking ibabang labi.
"Bullshit!" singhal nito. "Lahat ng nagmamahal, nasasaktan. Kahit gaano pa kayo kasaya't kaperpekto, laging may lapses. Laging may part na hindi mo maiiwasang masaktan ka."
That's why I'm afraid of loving someone. Hindi naiiwasan ang sakit. Kahit hindi maging kayo, masasaktan ka parin. Kahit simpleng pagtingin lang, masasaktan ka pa rin. Mawalan ka nga lang ng kaibigan, masakit na eh. Pano pa kaya kung ang taong mahal mo ang nawala sayo?
Hindi ko alam kung paano nagawa ni mommy'ng lumayo kay daddy dati at kung pano nya kakayanin kung natuloy ang kasal nila ni Daddy Brendt. Hindi ko rin alam kung paano nagawa ni mommy'ng maging mas matibay at masaya magmula ng mawala ang baby brother ko. Pero atleast, may bagong baby brother ulit na nagpasaya sa mommy ko. We're happy again.
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Teen Fiction[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...