Chapter 34

135K 3.4K 234
                                    


Chapter 34
Surprised.

"Mag-iingat kayo doon ah." ani mommy at hindi ako mayakap-yakap dahil buhat-buhat nito si Vini kaya ako na ang mismong lumapit sa kanya upang yakapin ito.

Hinalikan ko ito sa pisngi ng isang matunog na halik. "I'll be home in three days, mom."

"I know. But still, be careful." paalala nito sa akin.

Tumango naman ako at natapos nang ilabas ni daddy ang luggage namin ni Anne.

Pinagsama nalang namin sa isang luggage ang mga gamit namin para hindi na masyasong marami ang dadalin. Pinahiram ko kay Ate Jane ang maliit na luggage ko upang may paglagyan sya ng mga gamit nya dahil anya'y masyado daw malaki ang luggage nya for a three days trip.

"Jane, remember what I told you." mariing sabi ni daddy kay Ate Jane. "Always be beside them. Never let them leave your watch."

Tumango naman si Ate Jane kay daddy. "I will, sir."

"Take care of my daughter and Anne, Jane." nakangiting sabi ni mommy kay Ate Jane.

Ngumiti rin si Ate Jane. "Yes po, ma'am."

Ilang sandali din ay kinailangan na naming pumasok sa loob dahil malapit nang lumipad ang aming eroplano papuntang China.

"OMG! China, here we come!" excited na sabi ni Anne nang lumipad na kami sa ere.

Sinuot ko lang ang tsinelas na provided ng plane saka kinuha ang eye mask at sumandal sa aking upuan.

"Dont tell me na matutulog ka lang buong trip?" kunot noong tanong sa akin ni Anne.

Nginitian ko sya at saka tumango. "Wake me up when the food comes." sabi ko nalang at isinuot na ang eye mask upang makatulog na ako.

Ginising nga ako ni Anne nang dumating na ang pagkain namin at iilang oras nalang din ay makakarating na kami ng China kaya itinulog ko nalang ito dahil knockout na rin itong si Anne pagkakain namin habang si Ate Jane ay palingon-lingon lang sa amin dahil nasa harapan namin sya nakaupo.

"Kěyǐ qǐng nǐ.. dài wǒmen qù The Peninsula?" nauutal pang sabi ko sa taxi driver habang inaalala ko sa utak ko ang mga natutunan kong Chinese phrases.

"Dāngrán!" masayang sabi nito sa akin at tumango-tango ako saka inaya sila Ate Jane na pumasok na ng taxi.

Tinulungan kami ng isang staff sa airport na ilagay ang gamit namin sa trunk ng sasakyan at saka pinaandar.

"Wow." namamanghang sabi ni Anne habang nakatingin lang sa ilaw ng mga buildings na nadadaanan namin.

Si Ate Jane naman ay medyo naiidlip dahil siguro napagod din sya at hindi nakatulog sa eroplano. Kahit sandali lang din ang flight hours ay nakakapagod parin iyon kung gising ka buong trip.

"Wǒmen zài zhèlǐ!" untag nito't inihinto na ang ang sasakyan sa harap ng isang nakakalulang building.

Maginto ang kulay ng ilaw nito na mas nagpatingkad ng ka-elegantehan ng lugar sa gabi. May fountain sa harap ng entrance na kumikinang ang tubig nang dahil sa ilaw.

"Duōshǎo?" tanong ko at inilabas ang wallet ko kung saan nakalagay ang mga napalitan ng pera.

"45 yuán." simpleng sabi nito sa akin at agad ko namang inabot sa kanya ang saktong bayad saka lumabas ng taxi.

Tinulungan kami ng isang staff na lalaki doon na nakauniporme as room boy at dinala sa cart ang dalawang luggage na dala namin.

Pagkapasok namin ay hindi ko maiwasan ang pagkamangha dahil sa itsura ng lobby. Ang mga makikintab na tiles na kulay brown at ang mga malalaking makikintab din na poste ang sumalubong sa akin. May puting hagdanan din na magkaibang direction ang dalawang dulo na nakikita ko sa mga drama nang mga mayayamang tao.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon