Chapter 45
Clearing My Mind."Anne.." sambit ko habang unti-unting pumapasok sa kwarto ni Anne at nakita syang nakangiti habang may iniscroll sa kanyang iPad.
Hindi ko mapigilang mainggit kay Anne at some point. She always look so happy at alam kong nang dahil yun kay Lawrence. Kung ipinaglaban ba namin ni Josh and relasyon namin, magiging ganyan din ba kami?
Lagi ko ring naiisip, we were so young back then. I'm only turning 17 that time and he's exactly 17. Edad palang namin ay wala ng panglaban. We're not yet legal.
Pero ngayon ba? Ngayong 18 na ako at sya'y 19 years old na, kaya na ba namin? Kaya na ba naming kalabanin ang mga magulang nya, ang pamilya't tradisyon nila? Kaya na ba naming panindigan ang mga magiging desisyon namin para sa naudlot naming relasyon?
"Hmm?" daing ni Anne at nakangiting nag-angat ng tingin sa akin.
"Uhm, may problema ba si Kyle?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Nawala naman ang kanyang ngiti sa labi. "I dont really know." aniya. "Basta ang sabi nya sakin he's super busy kaya wala syang time bumisita dito."
Tumango-tango naman ako. "Okay. Salamat." ngiti ko at lumabas na ng kanyang kwarto.
Magmula nang hinatid nya ako noong gabi ng grand reunion ay agad na rin syang umalis noon ng walang pasabi pagkababang-pagkababa ko ng kotse nya. Hindi na rin sya bumibisita for almost two weeks at twing tinetext ko sya kung kamusta sya ay hindi sya nakakapagreply sa akin.
Alam kong may kasalanan ako kung bakit sya ganon. I'm just concerned as his friend dahil ayoko rin namang nagkakaganon kaming dalawa at alam kong it's partly because of me and Josh.
Bakit ba ganon? Lagi nalang parang may ayaw sa relasyon samin ni Josh. Laging may pumipigil. Laging may nasasaktang iba kapag kaming dalawa.
"Lyrae, hija." tawag sa akin ni manang habang kumakatok sa pintuan ng aking kwarto.
Napaupo naman ako ng maayos sa aking kama saka nilingon ang pintuan. "Po?" tanong ko. "Bakit po?" ulit ko.
"Merong naghahanap na bisita sayo sa baba." sabi nito.
Ang daming pumasok sa isipan ko kung sino ang pwedeng bisita sa baba. Pwedeng si Kyle dahil sya lang naman ang lagi at madalas na bumibisita dito. Pwedeng si Lawrence pero alam ko namang si Anne ang kakatukin kapag sya ang dumating. And of course, Josh. Pwedeng sya ang bumisita dito dahil hindi naman kami lumipat ng bahay at kayang-kaya nya itong puntahan pero naisip ko ring pwede rin namang hindi dahil bakit naman sya pupunta dito diba?
It must be Kyle.
"Okay po." medyo pasigaw kong sabi. "Baba rin po ako." dagdag ko.
Tumayo na ako sa aking kama at nakita sa salamin na presentable naman ang suot ko. Inayos ko lang ang buhok kong nagulo sa pagkakaulo ko sa header ng aking kama dahil sa pagbabasa at saka napagdesisyunan nang lumbas ng kwarto upang babain ang bisita.
Napatigil ako sa paghakbang sa pinakahuling baitang ng aming hagdanan nang makita ko ang tindig ng lalaking nakatalikod sa aming sala. Porma nya palang ay kilalang-kilala ko na kung sino sya.
It's Josh and why is he even here?
Pasalamat sya't wala sina mommy at daddy. Ipinasyal nila sa Hongkong Disneyland si Vini at two weeks silang mawawala dahil pupuntahan rin nila ang Macau. Dapat ay sasama ako pero matatamaan ang klase ko at ayoko munang bumalik ng China.
Unti-unti itong lumingon sa akin nang mapansin ang presensya kong papalapit na sa kanya.
"Rae.." sambit nya.
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Novela Juvenil[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...