Chapter 23
Pajama."Lyrae!"
Pagkababang-pagkababa ko sa kotse ay rinig ko na ang sigaw ni Josh na papalapit sa amin ni Anne.
"Just tell me if I need to find a new friend." biglang bulong sa akin ni Anne. "I dont want to look like a third wheel or a loner."
Napailing nalang ako sa sinabi nito as I smile nang makalapit na si Joshua sa amin. "Let me grab that for you." aniya at kinuha ang bag ko sa akin. "Nag-aaral ka ba talaga?" nagtatakang tanong nya. "Bakit ang gaang ng bag mo?"
I chuckled. "Hindi naman kasi lahat inuuwi ko." sabi ko nalang.
"Sabi ko nga." aniya at tumabi sa akin. "Pasok na tayo sa loob." aya nito at narinig ko ang reklamo ni Anne sa likod.
"Ayoko na talaga. Mauuna na ko." sabi nito't mabilis na naglakad papasok sa school.
Nagkatinginan naman kami ni Josh. "Shall we make a schedule kung kailan si Anne ang kasabay mo at kung kailan namang ako ang kasabay mo? Para fair." suggestion nito.
Tumango naman ako't ngumiti. "I kinda like that idea." sabi ko't ngumiti rin ito saka ginulo ang buhok ko.
"Ang ganda-ganda mo talaga." aniya at hindi ko alam kung paano ako magrereact. "Lalo na pag nakangiti ka." nakangiting tinitigan nya ko at umiwas ako ng tingin dahil hindi ko maiwasan ang hindi mailang sa pagtingin nya. Pano kung may mali pala sakin?
"Ahm, tara na." aya ko sa kanya't nauna na ako sa paglalakad na agad nya naman akong pinantayan.
"Kakakuha ko palang sayo, iiwan mo na ko agad." nagtatampong sabi nito at hindi ko mapigilan ang pagtawa.
"Hindi bagay sayo ang bumanat." sabi ko nalang habang patuloy parin ako sa paglalakad.
"At least, tayo bagay." hirit nya ulit at sasagot na sana ako ng biglang may pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
"Lyrae?"
Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang nakatayong si Lawrence. Suot na rin nya ang uniform namin at tinanggal na nya ang kanyang salamin. Nag-iba ang kulay ng kanyang dark brown na mga mata at naging grey. Sa tingin ko'y nag-contact lense na ito.
"Lawrence!" masayang sambit ko sa pangalan. "Dito ka na nga pala mag-aaral." puna ko.
"Uh, yeah." napakamot ito sa ulo nya saka tumingin ng diretso sa akin. "My mom told me na ikaw daw ang magiging guide ko dito sa school for a week. Is it true?" nag-aalangang sabi nito at naalala kong kailangan ko nga pala syang samahan but I didnt know that it's for a week.
"Oo nga pala." sabi ko nalang saka ngumiti. "Magkaklase naman tayo kaya sabay nalang tayong pumasok." aya ko dito.
"Okay?" nag-aalangang sabi nito at napatingin sa gilid ko kaya napadako din ang tingin ko kay Josh na diretsong nakatitig sa kanya.
Shit, Rae! Ang tanga mo naman. Nandito nga pala si Josh.
"Uhm, J-Josh--"
"Do what you want." simpleng sabi nito at nauna na saming dalawa ni Lawrence.
Tahimik lang kaming naglalakad ni Lawrence habang papunta sa classroom namin. "It's fine with me kung ayaw mo akong samahan." pagbabasag ni Lawrence sa katahimikan. "I'll just ask our adviser to get me a new partner guide."
Napalingon naman ako dito at agad na umiling saka ngumiti. "No need." sabi ko dito. "Uhm, ayaw mo bang ako ang maging kasama mo?" tanong ko dito at agad syang umiling.
He chuckled. "Of course, not." aniya. "I mean, tuwang-tuwa pa nga ako nung nalaman kong ikaw eh." sabi nito't unti-unting nawala ang ngiti. "But..ikaw ata ang hindi."
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Teen Fiction[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...