Chapter 29
Chinese Buffet."And our school's athlete of the year, Joshua Christian Sy." pag-aannounce ng emcee at nagsipalakpakan ang mga graduating students at maging ang mga magulang nitong umattend ng graduation.
Buti nalang at kailangan ko ring umattend ng graduation dahil sa pagpapasa sakin ng SCC President ng pwesto nya para sa next school year. Luckily, ako ang nanalo as SCC President.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinapanood at pinipicturan si Josh na kinukuha ang medal nya as athlete of the year. Sayang nga at pang top 6 lang sya sa buong batch ng fourth year at wala syang nareceive na academic award. Pero ayos lang din dahil may certifcate naman sya.
He truly deserves everything.
"Now, may we call on stage Georgianne Isabel Garcia, the SCC President for the passing of position to the newly elected SCC President of batch 2015-2016." huminga sandali ang emcee at nakita kong napalingon na sa gawi ko si Joshua.
Hindi ko nanaman alam kung pano ako kikilos dahil nakatuon lang sa akin ang buong atensyon nya habang nakangiti at pinapanood lang ako sa bawat pagkilos ko.
"Lyrae Sirius Sarmiento." tawag ng emcee sa pangalan ko at agad akong tumayo sa kinauupuan ko saka inayos ang dress ko saka naglakad papuntang stage.
Nakangiti akong nakipagkamay kay Georgia at niyakap nya ako. "Ayusin mo ah. Make every projects or events worth it and fun." bulong nito sa akin at nakangiti lang akong tumango sa kanya.
Masasabi ko namang magaling syang president. Saka gamay na gamay nya na ang pag-aayos ng mga events at projects kaya naging madali para sa kanya ang lahat na ihandle ang buong SCC. Madami din syang napatupad na masasabi kong nakatulong din naman talaga sa mga estudyante. She's a great president and I hope na mapagpatuloy ko ang nasimulan nya.
Nagpicture pa kaming dalawa with the principal, assistant principal and the director of our school bago ako bumaba ng tuluyan sa stage at nakita kong nagthumbs up sa akin si Josh ng nakangiti habang pabalik na ako sa upuan.
Napailing nalang ako at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa simpleng gesture na ginawa nya. Nababaliw na ata ako sa kanya.
Nag-speech nalang ang valedictorian at kinanta nila ang graduation song of the year pati na rin ang hymn ng school namin kung saan naging emotional ang mga graduating students dahil huling beses na daw nila itong makakanta.
"Pwede naman nilang kantahin yan kung gusto nila eh." sabi ni Josh nang makalapit na sa pwesto ko at pinapanood ang mga kaklase nyang nagsisiiyakan pa.
Siniko ko nalang sya and he chuckled. "What?" natatawang singhal nito. "I'm just telling the truth. Even I can sing it anytime I want. Basta ba kabisado ko pa eh." aniya.
Tumingin naman ako sa kanya at sarkastikong tumango-tango nalang sa mga pinagsasasabi nya. "Ikaw na talaga, Josh." sabi ko nalang. "Singer ka eh." dagdag ko pa.
Ngumisi ito at naramdaman ko na ang pagpulupot ng kanyang braso sa aking baywang. "Wag kang mag-alala, ikaw lang ang kakantahan ko." bulong nito sakin. "Kahit hymn pa ng school o bahay kubo, ikaw lang makakarinig ulit ng boses ko."
Humagalpak sya sa kakatawa at sinapak ko na sya ngunit hindi pa rin sya tumitigil sa kakatawa.
"Érzi."
Napatigil naman sa kakatawa si Josh at sabay kaming lumingon sa aming gilid kung saan nandoon ang kuya nya at ang daddy nya.
Ang daddy nya ang umattend ng graduation nya nang dahil nasa China pa rin ang mommy nya dahil may mga importanteng inaasikaso daw sa pagbubukas nila ng branch dito sa Pilipinas na kailangan nang mapabilis. Ang kuya nya naman ay nakilala ko na last month at masasabi kong masaya ring kasama ang kuya nya't madaling pakisamahan.
BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Fiksi Remaja[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...