Chapter 13

162K 4K 811
                                    

Chapter 13
Note

"Mukha ngang masaya ka." sarkastikong sabi ni Anne sa akin nang makasakay na kami sa kotse para makauwi. "Ni hindi mo man lang ako nagawang kamustahin habang magkasama kayo."

Agad naman akong ngumiti at kumapit sa kanyang braso para lambingin. "Hindi ko lang talaga nilalabas ang phone ko." dahilan ko. "Tampo pa bestfriend ko oh."

Magsasalita pa sana si Anne nang biglang tumunog ang phone ko at nakareceive ng isang text galing.kay Josh. Hindi ko pala nasilent yung phone ko. Twing umaalis kasi ako, nilalagyan ko ng tone in case na tumawag sila mommy or daddy, masasagot ko kaagad.

From: Josh Sy.

Thanks for the time. Nag-enjoy talaga ako. Uhm, take care sa pag-uwi. Ingat! I love you.

Hindi ko alam pero napangiti ako sa message nya. Kahit simpleng text lang to, alam mo yung feeling na kikiligin ka talaga? Ito yun eh. Ito talaga yun eh.

"You really like him, Rae." ani Anne and it's not a question. It's more of a statement.

"Anne.." ito nalang ang nasabi ko trying to hold my feels as I type my reply.

To: Josh Sy.

Thanks din sa time. :) Thank you!

Message sent!

Huminga ako ng malalim pagkasend ko ng text ko. Ilang beses ko bang binura ang phrase na nilagay ko sa text bago ko i-send sa kanya? More than three minutes ko ata yun tinatype at bura.

Humikab ako at agad akong pinasandal ni Anne sa kanyang balikat. Medyo matraffic din kasi kaya hindi pa kami nakakarating ng bahay.

"Gisingin kita pag nasa bahay na tayo." aniya at tumango nalang ako bilang sagot dahil napagod talaga ako.

Ngayon lang ako naglaro ng ganon sa mga arcade. Ngayon lang din ako nagtagal sa mall ng ganoon lang ang ginagawa. Specially with a guy. Madalas kasi ay puro shopping lang ang ginagawa at hindi rin naman counted na kasama ko ang mga magulang ko. It was such a fun and tiring day.

"Rae...Lyrae.." rinig ko ang pag gising sa akin ni Anne pero parang ayoko ng gumising pa at magtuloy-tuloy nalang ng tulog. Gusto kong pumikit nalang hanggang sa magkinabukasan na. "Rae, nandito na tayo.."

"Let me carry her, Anne." rinig ko ang boses ni daddy at mas nakapante akong matulog nalang talaga.

"Magpahinga ka na rin, Anne. Natulugan ka ng bestfriend mo." mom chuckled.

"Sige po, Tita, Tito." rinig kong paalam nya at nakaramdam na ako ng isang pagbuhat. And I feel safe in my father's arms.

"Ganito bang ka-enjoy ang princess ko't naknock-out na sa sobrang pagod magmall." I heard dad muttered at napangiti ako ng kunti saka gumalaw ng kaunti. "Shh, dont move. Aakyat tayo ng hagdan." bulong ni daddy.

"Sean, be careful. Baka mahulog si Rae." paalala ni mommy.

"She won't, baby. I'll be careful." sagot ni daddy muli akong napangiti.

I really like it when dad's calling mom.their endearment. Iba kasi kapag 'baby' ang tawagan. Para bang there is something special with that word lalo na kung gagawing endearment ng mga couples.

It's like, you are my baby that's why I will care, cherish, protect and love you so much.

"Grabe! Na-eexcite na talaga ako!" excited na sabi ni Anne habang papalapit na kami sa school. Paulit-ulit nya pang inaayos ang neck tie ng kanyang uniform.

Napailing nalang ako at napangisi sa pinapakita nyang excitement. Ganito pala kapag nawala't bumalik ka sa kinalakihan mo.

"Magkaklase tayo diba?" tanong nito sa akin at tumango ako habang hinihinto ng maayos ni manong ang kotse sa harap ng school.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon