Chapter 36
Haplos."Bye, Vini." ngiti ko sa kapatid ko saka hinalikan sa pisngi habang buhat-buhat ni mommy.
Hinalikan ko rin si mommy sa pisngi at hindi na hinanap si daddy dahil maaga syang umalis kaninang umaga para sa isang meeting with one of our big investors. If he close this deal, our company will be a big hit than it state right now. Mas magiging kilala kami.
"Bye po, Tita." nagpaalam din si Anne kay mommy at humalik din kay Vini bago kami tuluyang pumunta sa garahe upang sumakay na ng kotse papuntang school.
Huminga ako ng malalim at isinandal ang ulo ko sa bintana habang tinitignan ang syudad na parati ko ring nakikita.
"Lyrae?"
"Hmm?" lingon ko kay Anne na nakatingin sa akin na parang ang lalim ng iniisip.
"U-Uhm.." she sighed at umiling nalang. "Nothing." ngiti nya sa akin at saka sumandal at umayos ng upo.
Kumunot ang noo ko. "Ano ba 'yon?"
Hinarap nya ako at tinignan ng mabuti. "I'm just wondering. Kailan kaya babalik ang dating Lyrae?" aniya. "Matatagalan pa kaya sya? It's been two weeks na kasi at hindi ko pa sya ulit nakikita at nakakasama."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya and I wont deny it. There was a big change that happened to me starting that night. I dont know if it's a good thing or not. But I know that it can help me to be stronger and tougher.
I sighed at umiwas ng tingin sa kanya saka muling tumingin sa labas ng bintana.
"I'm still Lyrae, Anne." sabi ko nalang. "But the pain made me change." dagdag ko.
Huminga nalang sya ng malalim at hindi na ako kinulit hanggang sa makarating kami ng school.
"Anne, una ka na sa classroom. Punta lang ako ng office." sabi ko kay Anne nang paakyat na sya sa hagdanan patungong second floor.
Lumingon sya sakin at ngumiti. "Okay. I'll save you a chair." aniya't dumiretso na sa pag-akyat.
Lumiko na ako sa kabilang hallway upang makapunta na sa SCC office dahil may attendance rin kaming mga officers at representatives doon. Kailangan ko rin isulat sa attention board namin na magpapatawag ako ng meeting mamayang 1pm for the weekdays ender activities.
"Rae, ang aga ah." ani Chanel nang makitang nandito na ako sa loob ng office.
Si Chanel ang new appointed secretary ng students council. Sya ang nakatulong kong ayusin ang mga magiging events for this school year at ang opening party mamayang after lunch hanggang usual time ng uwian namin which is 4pm.
Ngumiti ako sa kanya. "Nagmamadali kasi si Anne eh." sabi ko nalang at pinagpatuloy ang pagsusulat ko sa board. "First day daw kasi ng classes." dagdag ko at tinakpan na ang white board marker.
Lumingon ako sa kanya at nakita kong binabasa nya ang sinulat ko sa board.
"Id-discuss na ba natin ang flow of activities ngayong year?" tanong nya sa akin.
"Hmm, oo." tango ko. "Para settled na at ipapa-approve nalang natin sa mga admin."
Tumango-tango naman sya saka ngumuso.
Inayos ko na muli ang bag ko para pumunta na sa classroom dahil baka naiinip na doon si Anne.
"By the way.."
Napalingon akong muli kay Chanel habang sinusukbit ang backpack ko nang tawagin nito ang atensyon ko.
"Hmm?" ngiti ko.

BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Novela Juvenil[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...