Chapter 10

169K 4.2K 330
                                    

Chapter 10

Starbucks.

"Ang tagal naman.." I uttered why leaning back to our car waiting outside NAIA Terminal 3.

"Ma'am, pasok po kaya muna kayo sa loob. Baka po naiinitan kayo." alok ng driver namin at agad akong umiling saka ngumiti.

"Ayos lang po ako, manong. Salamat po." sabi ko nalang at muling tumingin sa automatic sliding door ng terminal. Actually, maraming pinto dito pero nafefeel ko na dito sya sa gitna dadaan. You know, bestfriend instinct. Dahil kahit ako ay dyan din ako dadaan.

"Sabihin nyo lang po pag may kailangan kayo. Patay po ako kay Sir pag may nangyari--" problemadong sabi nito at agad ko itong pinahinto.

I chuckled. "Manong, chill lang tayo. Naghihintay lang tayo dito. Hindi naman ako magbubuhat ng isang sako ng mga bagahe dito, okay?" pampalubag loob ko dito.

"Eh sige po." sabi nalang nito at napakamot sa ulo.

Napailing nalang ako. Si daddy talaga, napaka-overprotective. Kaya ko naman ang sarili ko eh. Pati naman driver namin, pinagbabantaan.

"R-Rae?" nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ng babaeng miss na miss ko. "Rae, is that you?" nakangiting tanong nito sa akin at agad akong umayos ng tayo at lumingon ng diretso sa kanya.

"Krizianne!!" masayang untag ko at agad ko syang niyakap na agad nya namang nabitawan ang mga dala-dala nya at natatawang sinuklian din ang yakap ko.

Oo, umuwi na nga si Anne. Naging biglaan din dahil gusto ng makaabot ng kuya nya sa second semester. Pinayagan ng sumama si Anne at nakapagpaalam na kung pwede ay sa amin sya twing weekdays dahil balak nalang tumuloy ng kanyang kuya sa condo nila dahil mas malapit ito sa kolehiyong papasukan nito.

"Wait lang ah, Lyrae. Nandyan pa kuya ko, mahiya ka naman." sabi nito at nilayo ako sa kanya saka lumingon sa likuran nito.

Grabe, mas tumikas ang pangangatawan ng kuya nya. Naging mas maangas din itong manamit. Hindi talaga nakakapagdalawang-isip kung bakit naging crush sya ni Camille noon. Kaso broken hearted si Camille dyan eh.

"Lyrae." nakangiting tawag nito sa akin at ngumiti nalang ako saka tumango bilang sagot.

Kita ko naman ang mapang-inis na ngiti ni Anne. Pinanlakihan ko ito ng mata and she chuckled bago bumaling sa kuya nya. "Diretso ka na ba sa condo mo, kuya?" tanong nito sa kapatid.

"Ahm, maybe. Para makapag-ayos na rin ako." sabi nito nang hindi parin natatanggal ang tingin sa akin. Nakakailang tuloy.

"Ah, gusto mo bang sumabay na samin?" alok ko dito. "Saan ba ang condo mo?" tanong ko at hindi na ito ngayon makatingin sa akin ng diretso.

"Sa Treston Heights lang." sabi nito at hindi ko maiwasang mamangha. Alam kong mayaman ang pamilya nila pero ibang klase parin pag may property or condo ka na pangangalaga ng mga dela Cruz which is isa na nga ang Treston Heights doon. Nakakatuwa nga dahil si Shayla dela Cruz which is ang tagapagmana ng kompanya ng mommy nya ay dito rin nag-aaral sa school namin pero gaya ko rin syang medyo mailap sa mga tao.

Sa pag-aadvance study ko about business and stuffs ay marami akong nakikilalang mga interesting at powerful companies in the country. Nakakatuwa nga dahil isa doon ang company ni mommy't daddy. Kapag may nakita akong interesting na tao ay agad ko itong nireresearch. Isa ang mga dela Cruz sa nakita kong interesting at dahil na rin siguro'y sa school ko nag-aaral ang bunsong anak nito.

"Tara na, sabay ka na sa amin." nakangiting sabi ko at pumasok na kami sa loob ng kotse na agad namang sumunod sakin sa loob si Anne.

"Sa front seat ka nalang kuya, okay?" sabi nito sa kapatid at saka sinara ang pintuan. Sinunod naman sya ng kapatid na agad ring umupo sa harapan. Hinintay nalang namin si manong na nilagay pa sa compartment ang gamit nila na agad din namang natapos.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon