Chapter 17

144K 3.6K 399
                                    


Chapter 17
Rather.

"What was that, Rae?" habol sa akin ni Anne sa bigla kong pag-alis sa table namin. "Na brainwash ka nanaman ba ni Klare? Nadala ka nanaman ba ng paawa nya? Nadala ka ba sa pag-iyak at pagd-drama nya?" sunod-sunod na tanong nito sakin.

Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. "She's my friend. I dont want her to get hurt."

"She's my friend. I dont want her to get hurt." gaya nito sa akin. "That was your only answer to everything. Yang dalawang sentence na yan ang lagi mong sagot sa akin twing tinatanong kita about Josh." she blurted out.

Napayuko naman ako at kinagat ang aking ibabang labi. Alam ko naman na meron na talaga akong nararamdaman para kay Josh pero ayokong makasakit ng ibang tao para lang sa kaligayahan ko. And besides, nauna naman talaga sa akin si Klare pagdating kay Josh. Josh is Klare's long time crush and I know that she's still hoping na may mangyari sa kanilang dalawa. She deserve Josh for all the efforts she made for him and I dont. I just simply dont deserve him.

"Rae, why are you so selfless? Cant you be selfish even just for a while?" inis na tanong nito. "What if si Josh na talaga ang para sayo? Rae, cant you see? Si Josh lang ang lalaking nakakatagal sayo at sa pagiging mailap mo sa lalaki but you keep on pushing him away."

"It's for the best." sabi ko nalang dahil hindi ko na alam ang kung ano pa ang dapat kong sabihin.

"Then you'll lose the best one for you." umiling ito sa akin at tumalikod saka nagsimulang maglakad pabalik ng classroom na agad ko namang sinundan.

Buong natirang klase namin after lunch ay hindi ako pinapansin ni Anne. I feel so guilty but I'm looking out for many possibilities na pwedeng mangyari kapag pinilit ko ang gusto ko.

"Anne--" tatawagin ko sana si Anne nang palabas na kami ng gate nang magulat ako ng biglang may humablot  sa kanya at sumampal.

"Camille!" sigaw ko sa kanya sa sobrang gulat kitang nabigla din si Anne sa ginawang pagsampal sa kanya ni Camille.

"Oo, alam kong galit kayo sakin pero hindi ko kayang tanggapin na pati si Henry, kinuha mo sakin!" galit na sabi nito at humarap kay Anne na ngayo'y seryoso lang na nakaharap kay Camille na naghihimutok sa galit.

"Wala akong kinuha sayo." seryoso't madiin na sabi ni Anne. "Simula palang, akin na sya."

"Boyfriend ko sya! Kaya akin sya! Una ko syang nakilala kesa sayo!" daing ni Camille at hindi ko alam kung maaawa ba ako o matutuwa dahil karma nya ito for not listening to me.

"Kung boyfriend mo pa pala sya, bakit mo ko sinusugod?" kalmadong tanong ni Anne. "Sugudin mo ko kapag break na kayo."

Mabilis ang paghinga at pagpapalitan nila ng mga salita na hindi ko alam kung saan ako papasok para pigilan silang dalawa. They are making a scene. Nasaan na ba yang Henry na yan?!

"Gusto nyang makipaghiwalay sa akin pero hindi ako pumayag." diretso't tapat na sabi ni Camille. "Hindi ako papayag na mawala sakin si Henry."

"Wag mong ipagpilitan kung ayaw na sayo." madiin na sabi ni Anne. "Just set him free, Cam!"

"At hahayaan ko sya sayo?" sarkastikon sabi nito. "I'm not dumb, Anne. The moment na binanggit nya ang pangalan mo nang tinanong ko sya kung bakit sya nakikipaghiwalay, hindi ko na sya pinatapos para hanapin ka't sabihin sayo na hindi ko hahayaang mapunta sya sayo." buong loob na sabi ni Camille. "Hindi ko hahayaang makuha mo sya sa simpleng pang lalandi mo!" hiyaw nito't muli nyang sinampal si Anne at agad kong natanaw sa di kalayuan si Henry na ngayo'y nagulat sa nakitang pagsampal ni Camille kay Anne at agad na lumapit.

Say I Love You TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon