Chapter 47
Centennial Park"Josh, umuwi ka na. May pasok ka pa mamaya." mariin kong sabi kay Josh nang makita ko na ang matatalim na tingin nya kay Kyle.
Tinikom nya ang kanyang bibig at saka humarap sakin upang humalik sa noo ko.
"See you, baby." tipid syang ngumiti at saka muling lumingon kay Kyle bago sumakay sa kanyang kotse.
Buti nalang at napasunod ko ngayon si Josh. I want to handle Kyle and explain to him na walang nangyayaring basag ulo sa kanila ni Josh.
Mabilis na pumasok si Kyle sa aming bahay at agad ko naman itong sinundan.
"Kyle--"
"What was that, Lyrae?" sabay harap nya sakin. "You've been gone for two days and we dont even know where you went tapos babalik ka na kasama sya?"
"Nawalan ako ng charge." dahilan ko. "At hindi rin naman ako makakapagdala because it was all unexpected."
"Unexpected, Lyrae?" aniya. "Ano yon? Bigla nalang syang dumating dito at inaya kang mag-outing for two days na kahit hindi ka pa nakakasagot ay isinakay ka na nya sa kotse? Ganon ba yon?" hindi makapaniwalang tanong nya.
"But that's what really happened, Kyle." I defended.
"Pero sumama ka sa kanya, Lyrae." diin nya. "That's what matters the most. Yung sumama ka sa kanya when you should have call me habang papunta palang kayo."
"Kyle, kailangan naming makapag-usap that's why I chose to come with him." dahilan ko. "I thought dito lang kami sa Metro Manila bound mag-uusap but who the hell knows na aabot kami don? Siya lang!"
"Yon na nga eh." aniya. "You chose to come with him. Ginusto mong sumama ka sa kanya." dinuro-duro nya ko.
"Eh ano namang problema mo don?!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtaas ng boses ko dahil sa mga pangaral nya sa akin.
"Oo, gusto ko syang makasama para makapag-usap kaming dalawa ng maayos." sabi ko. "At ngayon, okay na kami. Nagkaintindihan na kaming dalawa."
"At agad ka namang nagpabola sa kanya, Lyrae?" hindi makapaniwalang sabi nya. "I thought you're smart." dagdag nya.
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Hindi mo alam ang pinagdaanan namin, Kyle." mariin kong sabi sa kanya. "You dont know how much we lost ourselves nang magkahiwalay kami. At ngayong, kaya na namin. We chose to give it a try again. We chose to let ourselves be happy again."
"Pero, Lyrae--"
"Kyle, I'm sorry.." hinga ko. "Pero kung gusto mong mawala kami nang tuluyan just because of what you feel for me then I'm sorry 'cause it will never happen."
Ayoko mang sabihin sa kanya ang mga salitang iyon ay kailangan ko. Marami na syang nalagpasang linya na hindi naman nya dapat pakealaman pa.
Napayuko nalang si Kyle at tumango-tango. "I know, Rae.."
Sa tono palang ng boses nya ay parang ayoko ng mapakinggan pa ang mga susunod nyang sasabihin.
Feeling ko ay napakasama kong tao dahil meron nanaman akong nasaktan na malapit sa akin. But what can I do, ayokong paasahin sya and he needs to know.
"Pero hindi ko maiwasang hindi umasa, Lyrae.."
Nag-angat ito ng tingin sa akin at halos manigas ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang bawat pagpatak ng kanyang luha.
"Lyrae, I was here for you when you needed me. Nandito lang ako nung mga oras na yon at hindi ko maiwasang umasa na baka pag hindi ako umalis sa tabi mo, you'll feel the same way for me." aniya. "Na baka makita mong ako yung nandito para sayo at hindi sya.."

BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Teen Fiction[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...