Chapter 25
Music."Are you sure na dyan ka lang, Lyrae?" tanong sakin ng Math teacher ko na si Mrs. Sanchez.
Nag-aaral kami ng partner ko para sa upcoming MTAP. Buong araw na ang binigay sa amin para mag-aral lalo na sa akin dahil hindi naman ako nakaka-attend ng MTAP training twing Saturday. Kaninang recess ay hindi ako lumabas ng longue upang kumain at balak ko ring magstay dito ngayong lunch.
Tumango naman ako at ngumiti. "Okay lang po ako. Mag-aaral nalang po ako." sabi ko sabay pakita ng makapal na libro namin sa advanced algebra at geometry.
Ngumiti naman ito sa akin. "Papadalan nalang kita ng pagkain dito in case na magutom ka, okay?" sabi nito sa akin.
"Uh, sige po." nakangiting sabi ko. "Salamat po." tunango lang ito sa akin saka ito tuluyang lumabas ng longue upang maglunch.
Binalik ko ang tingin ko sa lamesa kong punong-puno ng mga libro. Minsa'y sumusulyap ako sa ibang libro ko upang makapag-aral na rin sa upcoming exams.
Umiling ako at hinilot ang sintido ko saka kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ng bag na hindi ko pa tinitignan magmula kaninang umaga. Hindi na ko nagulat ng makakita ako ng maraming mensahe at missed calls dito.
From: Josh.♥
Hindi ka pumasok? May sakit ka ba? :(
Iniscroll down ko pa ang mga natanggap kong message galing kay Josh na masasabi kong marami-rami nga at wala na akong balak isa-isahin pang basahin.
From: Krizianne.
Naiimbyerna na ko kay Lawrence at dumagdag pa ngayon 'tong si Josh. Hinahanap ka nya sakin. What should I say? Ugh! He just wont stop. Itext mo kaya na okay ka lang or something.
Pinindot ko ang box na may nakalabel na 'reply' upang makapagreply kay Anne.
To: Krizianne.
Cover me up. Just this once. Nawalan kamo ako ng load. Please, Anne. I'll just treat you. :)
Message sent!
Mabilis naman itong nakapagreply at hindi ko alam kung matatawa ako sa reply nya o kikiligin ako. They really made my day just by thinking na magkasama sila at nagkukulitan.
From: Krizianne.
How 'bout killing this guy beside me? I think it'll be the best treat that you can ever give me. :)
Magrereply na sana ako ng bigla ulit may nagmessage sa akin na tinignan ko muna bago magreply kay Anne.
From: Lawrence.
I saw her message. Tell her that you cant kill me because I dont want her to be in grief because of me. :)
Napailing nalang ako as I chuckled nang dahil sa kanilang dalawa na agad mawala as I saw someone open the door na may dalang tray na madaming pagkain.
"Mrs. Sanchez told me na hindi ka pa kumakain since nung pumasok ka dito kaninang umaga." ani Joshua habang inaayos ang libro ko at inilagay sa tapat ko ang tray saka nilatag sa harap ko ang mga paborito kong pagkain na mayroon ang canteen. "Kain ka na. Ayokong nagugutom ka lalo na kung kaya naman kitang pakainin at buhayin." aniya.
Tinignan ko lang ang pagkaing dinala nya at hindi ko alam kung gagalawin o kung kakainin ko ba 'to.
Kaya hindi ako lumalabas ng longue a nang dahil sa kanya. I dont want to interact with him dahil hindi ko alam kung pano ko sya patutunguhan. Ngayon palang ako nakaramdam ng selos na ganito at hindi ko alam kung dapat ko bang ipaalam or ipakita sa kanya kaya mas minabuti ko nalang ang umiwas.

BINABASA MO ANG
Say I Love You Too
Ficção Adolescente[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 1: Lyrae Sarmiento, the first born of Sean and Cassandra Sarmiento. She grew wanting to live up to her parents' expectations. And she even wanted to surpass it by all means. She's doing a good job doin...