Isang nakakasilaw na liwanag ang naging dahilan ng pagmulat ko. Dahan dahan akong napadilat at medjo napatakip pa ako ng mga mata dahil sa sobrang liwanag.
Medjo lumabo pa nga ang paningin ko kaya napakusot ako sa mga mata ko. Nang makaadjust na ang mga mata ko, agad akong napatingin sa paligid.
Nasaan ako?
Yun ang unang tanong na pumasok sa isip ko.
Pilit ko rin inalala ang huling nangyare sakin at ganon na lang ang gulat ko nang maalala kong tumalon nga pala ako mula sa rooftop.
Napatakip ako sa bibig ko.
Hindi kaya.. nasa... nasa l-langit na ako?!
Puti.
Lahat nang makita ng mga mata ko ay puti. Maging ang damit ko ay puti, walang bahid ng kahit anong dugo o ano pa.
Ganitong ganito ang nakikita ko noon sa mga pelikula.
Maglalakad lakad na sana ako nang biglang...
"Angel Delos Santos."
Bigla akong napalingon sa pinagmulan ng boses na yon na tumawag sa buong pangalan ko.
Ganon na lang ang gulat ko nang may makita akong isang matandang lalaki na nakaputi at kulay puti rin ang buhok.
May hawak syang libro. Naglalakad sya palapit saakin.
Sino sya? Bakit kilala nya ako? Ano ba talaga ang nangyayare? Asan ba talaga ako?
Nang makalapit sya saakin, tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at pabalik.
Hindi naman nakakatakot ang itsura nya pero ewan ko ba kung bakit kinakabahan ako.
Napahawak ako nang mahigpit sa suot kong damit.
"Sa iyong palagay, nasaan ka ngayon?"
Nagulat pa ako nang magsalita sya ulit.
Ako: A-aahmm.. sa t-totoo lang po, h-hindi ko ho alam e.
Tumango tango sya at naglakad lakad paikot sa kinatatayuan ko.
"Ano ang huling pangyayare na naaalala mo?"
Ako: Y-yung t-tumalon po ako sa rooftop. T-teka p-patay na po ba ako? Nasa langit na po ba ako?
Napahinto sya sa paglalakad lakad at tumayo sa harapan ko.
"Alam mo bang mali ang ginawa mong yon Hija?"
Tanong nya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.
Napayuko ako.
Alam ko yon. Alam na alam ko yon. Pero kase.. hirap na hirap na ako. At yun na lang ang naisip kong solusyon.
"Alam kong hirap na hirap ka na. Alam ko rin lahat ng pinagdaanan mo."
Napaangat ulit ang tingin ko sakanya.
T-teka, naririnig nya ba ang mga nasa isip ko?
"Oo. At lahat ng tungkol sayo Angel Delos Santos ay alam ko."
Gulat na napatakip nanaman ako sa bibig ko.
OMG! Ang galing!
"Ngayon, ako ang tagabantay ng kalangitan. At kung tinatanong mo kung nasa langit ka na, mali ka. Hindi pa ito ang langit. Walang wala pa ito sa kagandahan ng langit."
Ako: K-kung ganon po, n-nasaan po ang langit? Kailan po ba ako makakapunta don?
"Magandang katanungan."
Sagot nya saka nagsimula nanaman syang maglakad lakad.
"Gusto mo bang makapunta doon?"
Tumango tango ako.
Gustong gusto.
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasyReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
