Chapter Twenty Four

105 2 0
                                        

Nang sumunod na araw, naisip kong ipagluto si Aelius para naman makabawi sakanya.

Nagluto ako ng pork adobo para sa pananghalian. Bandang 11am naman nang lumabas sya ng kwarto nya.

Ako: K-kain ka na. Nagluto ako ng pananghalian.

Hindi sya sumagot. Naupo lang sya sa silya saka naglagay ng pagkain sa pinggan nya.

Ganon na rin ang ginawa ko kaso hindi ko talaga kaya ang katahimikan kaya naman...


Ako: A-aelius, k-kung galit ka parin sakin. Sorry na kase. Hindi ko na uulitin yon. Hindi na ako aalis ng walang paalam. Promise!

Tinaas ko pa ang kanang kamay ko.

Umangat naman sya ng tingin para tingnan ako.

Aelius: It wasn't your fault actually. It was mine. I over reacted. Naisip ko kaseng ilang beses ka nang nalagay sa panganib nang dahil sakin. Ayoko lang na maulit pa ang kahit alin doon.

Ako: Ano ka ba. Wala yon. Di ko nga naisip yon e. Saka nakalimutan mo na ba? Hindi ako normal na tao katulad mo. Tho hindi ko alam kung mapapahamak nga ako habang andito ako, pero hindi naman yun ang iniisip ko e.
Andito ako para tulungan at samahan ka. Yun lang naman ang dahilan kung bakit andito ako e.

Aelius: If you're not like me, then what are you?

Sandaling napaisip din ako sa tanong nyang yon pero ngumiti parin ako sakanya.

Ako: I'm your guardian angel, remember?

Aelius: Pero hanggang kailan mo gagawin to? Hanggang kailan mo ako tutulungan at sasamahan?

Ako: Uhm... hanggang sa .. maging okay ka na.
Hanggang sa kaya mo nang mag isa nang hindi nalulungkot. Hanggang sa kaya mo nang maging masaya ulit.

Aelius: Paano kapag hindi nangyare yon? Paano kapag natagalan? Dito ka parin? Hindi ka parin aalis?

Ako: A-ahm..

Hindi ko pwedeng sabihin sakanya na 40 days lang ang meron ako sa mundong ito para tulungan sya.

At nasa 26th day na ako ngayon.

Ako: Mangyayare yon. Alam ko at nararamdaman kong mangyayare yon.
Kain na tayo.



Sabi ko na lang saka pinagpatuloy na ang pagkain.






--------------

Nakaupo lang ako sa couch ng hapon na yon nang lumabas ng kwarto si Aelius na bihis na bihis.

Ako: Maaga ka nanamang pupunta sa trabaho mo?

Aelius: Ah hinde.

Ako: O e saan ang lakad mo ngayon?

Aelius: Gusto ko lang maglakad lakad. Gusto mong sumama?

Ako: Maglalakad lakad? Saan?

Aelius: Kahit saan lang.

Napangiti naman ako saka tumayo.

Ako: Sige ba. Teka magpapalit lang ako ng damit.

Pumasok ako ng banyo para magpalit ng damit at paglabas ko...

Aelius: Wala ka bang damit na hindi palda? Wala ka bang pants?

Ako: Ahh,.. wala e.

Ewan ko nga rin bat walang pants na pang babae dun sa Wondermall nina Hero.
Halos lahat ng damit pambabae dress e tapos lahat pa kulay puti.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon