Chapter Twenty Eight

3 0 0
                                    

Bandang 4pm ng hapon nang lumabas si Aelius ng room nya at nakabihis na para magtrabaho.

Tumayo naman ako habang buhat buhay si.. oo nga pala. Wala pa akong naiisip na pangalan para sa cute na asong to.

Ako: Pupunta ka na ba sa work mo?

Tumango lang sya bilang sagot.

Ako: Pwede ba akong sumama?

Kumunot naman ang noo nya habang nakatingin sakin.

Aelius: Bakit?

Ako: Hmm.. wala lang. Wala naman kase akong gagawin dito e. Sige na, sama na ako. Di ako magpapasaway don, promise.

Pamimilit ko naman.

Aelius: Okay.

Ako: Yes!


Binaba ko na yung aso sa sahig.

Ako: Ikaw ha? Behave ka lang dito. Bantayan mo yung bahay ha? Aalis lang kami saglit, okay?

Sabi ko pa habang pinapat yung ulo nya. Saka tumingin na ulit ako kay Aelius.

Ako: Tara?

Sinalubong naman kami ni Enzo pagkarating namin sa bar nya.

Nagbeso naman sya sakin saka pumasok na kami diretso sa bar counter.

Pero bago pumunta si Aelius sa lugar nya may binulong muna sya sakin.

Aelius: Don't drink any hard drinks okay? And stay here. Oh and don't talk to anyone.

Napangiti naman ako.

Hindi ko alam kung para ba syang isang concerned boyfriend o isang striktong tatay.

Ako: Opo magbebehave po ako rito.

Bulong ko rin sakanya.

Then binalingan nya naman si Enzo.

Aelius: Hey bro, my wife is here, okay?

Enzo: Oo na.


Di ko naman mapigilang kiligin sa "my wife" na yon.

Ang sarap pala sa feeling na may tumatawag sayo ng ganon.

Maya maya lang pumunta na nga si Aelius sa lugar nya at naiwan kami ni Enzo sa bar counter. Unti unti na ring dumadami ang mga tao.

Enzo: Hey.

Napabaling naman ang atensyon ko kay Enzo na kasalukuyang nag piprepare ng mga drinks.

Ako: Hey.

Enzo: I have to admit, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang kasal na kayong dalawa.

Ako: Ako nga rin e.

Enzo: Gaano na ba kayo katagal magkakilala?


Medjo natigilan naman ako sa tanong nya na yon. Sa totoo lang 29 days pa lang kaming magkakilala ni Aelius.

Ako: H-hindi naman binabase sa tagal yon diba?

Napatango tango naman si Enzo.

Enzo: Sa bagay. You're right. You can actually like someone at first sight nga e.

Ako naman ang tumango tango bilang pag sang ayon.

Enzo: Well, based on what I can see, you look happy. Both of you. You look really happy.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon