Chapter Thirty One

109 0 0
                                        

Mula nung mag usap sina Samantha at Aelius, pansin ko na ang malaking pinagbago kay Aelius. Palangiti na sya ngayon at halatang magaan na ang pakiramdam nya. Kita ko rin ang kakaibang glow sa mga mata nya.

Haaaay, sana magtuloy tuloy na ang ganiting Aelius hanggang sa araw na kailangan ko nang umalis. Gusto kong makita ang mga ngiti nyang yon at ang masaya nyang muka sa araw nang pag alis ko.

At kapag nangyare yon, aalis ako sa mundong ito na masaya.

Aelius: Balak mo ba akong tunawin sa mga tingin mo?

Saka lang ulit ako natauhan nang magsalita sya at saka ko lang din namalayan na nakatitig pala ako sakanya.

Kaya napaiwas ako ng tingin sakanya.

Aelius: Alam mo, isang beses pa kitang mahuling nakatitig sakin, iisipin ko na talagang crush mo ako.

Napairap naman ako sakanya.

Ako: Siraulo.

Saka ko tinuon ang atensyon kay Skye na nakahiga sa lap ko.

Aelius: Sus kunware ka pa. Crush mo ko e.

Pang aasar nya pa saka lumapit pa nang konti sakin para sundutin ang tagiliran ko.

Ako: Asa ka boy.

Tanggi ko pa habang hindi nakatingin nang diretso sakanya. Bwiset. Malakas pala mang asar ang lokong to no?

Habang iniiwas ko ang tingin sakanya, maya maya naramdaman ko na lang ang kamay nyang pinipisil ang pisngi ko.

Napatingin tuloy ako sakanya.

Ako: Bibitawan mo yan o hahampasin kita?

Kunwaring pagbabanta ko naman.

Pero sa halip na bitawan nya nga, tinaas nya pa ang isa nya pang kamay para pisilin pa ang kabilang pisngi ko.

Aba't talaga nga naman!!

Ako: ISA!.. DALAWA!!..

Hindi parin nya binibitawan kaya naman tinusok tusok ko sya sa tagiliran nya para kilitiin.

Napatalon naman paalis sa lap ko si Skye.

Nabitawan na nga ni Aelius ang pisngi ko at ngayon pilit nyang hinuhuli ang kamay ko.

Aelius: HAHAHAHA! Alright! HAHAHAHA stop! HAHAHAHA

Ang sarap lang talaga pakinggang ang tawa nya kaya di ko parin tinitigilan ang pangingiliti sakanya hanggang sa nahuli nya na ang dalawang kamay ko. Pero mas nagulat ako sa sunod nyang ginawa.

Habang hawak nya ang magkabilang wrist ko, marahan nya akong tinulak pahiga sa sofa. Ngayon naman nasa ibabaw ko sya at halos 1 inch na lang ang pagitan ng mga muka namin.

Gulat at nanlalaki ang mga matang nakatingin ako sa mga mata nyang nakangiti parin. Kita ko rin ang mapang asar nyang ngiti.

Maya maya lang biglang nagseryoso ang muka nya at napansin kong napatingin sya sa lips ko. Saka dahan dahan as in parang slow motion syang lumapit pa lalo sakin.

OMG!

Is he... going to... kiss me?

Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa excitement at kaba.

Kaya mariing napapikit na lang ako at saka naghintay nang sunod na mangyayare.

Kaso halos isang minuto na ata akong nakapikit wala paring kiss na nagaganap. Naramdaman ko na lang na pinisil nya ang ilong ko kaya muli akong napamulat.

Chasing Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon