Kasalukuyan akong nakahiga lang sa kama ko habang iniisip kung ano ng mangyayare ngayon sa buhay ko.
Tapos na akong mag aral. Hindi ko na kailangang pumasok pa sa school. Pakiramdam ko napakabilis ng mga pangyayare.
Tapos na agad yung apat na taon kong pag aaral sa College. Hindi parin ako makapaniwala na sa susunod na pasukan hindi ko na kailangang mag enrol pa.
Na simula ngayon, magbubukas na ang panibagong pinto sa buhay ko. Pinto ng totoong buhay.
Kung saan mas magiging mahirap na lahat dahil sarili ko na lang ang aasahan ko. Kailangan ko nang tumayo sa sarili kong mga paa.
Hindi na ako bata kaya dapat hindi na ako aasa pa sa mga magulang ko. Sabagay, hindi na rin naman bago sakin yon.
Sanay naman na akong mag isa. Tagal ko nang ginagawa yon. Sana nga lang kayanin ko pa.
Kinuha ko yung phone ko sa side table at nag scroll sa gallery. Graduation pictures. Sa dinami rami ng pictures don, isa lang ang pinakagusto ko.
Yung picture kung saan andon ako, ang dalawa kong kuya, si Mama at si Papa. Yun ang pinakauna naming litrato na magkakasama kaming buong pamilya.
Ang tagal kong pinangarap na magkaroon ng family picture. Kaya nga ang tagal ko rin hinintay na makagraduate dahil alam ko,dun na lang ulit kami magkakasama sama.
Kay sobrang saya ko talaga nung araw na yon. Kase sinong mag aakalang matutupad pa yung napakaimposibleng pangarap ko na yon?
After 16 years, nagsama sama ulit kami sa iisang lugar at sa iisang larawan.
Naramdaman kong may luhang tumulo mula sa mga mata ko. Haaay. Napakaiyakin ko talaga.
Agad kong pinunasan yung pisngi ko at tiningnan ulit yung picture. Napangiti ako.
At habang nasa ganong ayos ako, nagring ang phone ko.
Si Auntie Rose. Panganay na kapatid nila Mama.
Bakit nya kaya ako tinatawagan?
Ako: H-hello?
Auntie Rose: Hello Angel. Happy Graduation ha? Kamusta? Masaya ka ba?
Ako: O-opo Auntie. Sobra po. Salamat.
Auntie Rose: Mabuti naman kung ganon. Nakita ko yung inupload mong picture sa Facebook. Sobrang saya mo siguro dahil napagbigyan ka ng Tatay mo.
Ako: Opo. Hindi ko nga po inakalang makakarating sya e. Nakakatuwa po talaga kase nakompleto ulit kami.
Auntie Rose: Ganon ba? Pero hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ng Mama mo?
Bakit pinapunta mo pa yung walang kwenta mong Ama? Ano na lang ang mararamdaman ng Mama mo?
Kung tutuusin nga hindi na deserve ng lalaking yon na mapasama pa sa picture na yon. Hindi mo man lang ba naisip yon?
Sa dami ng hirap at sakripisyo ng Mama mo para makapagtapos ka, yan pa ang regalo mo sakanya?
Hindi ka man lang ba nahihiya? At talagang inupload mo pa para makita ng lahat. Ano? Proud na proud ka sa tatay mong walang kwenta?
Ni wala nga syang naitulong sainyo e.
Napapikit ako nang mariin.
Marami pang sinabi si Auntie pero di ko na magawang intindihin pa kase ang sakit na.
Tuloy tuloy na sa pagtulo ang luha ko. Pinipigilan ko na lang na magkatunog yung iyak ko.
Sumasakit na rin ang dibdib ko.
Sinubukan ko munang kalmahin ang sarili ko bago ko nagawang magsalita ulit.
Ako: A-ahm Auntie, s-sorry po ha? M-may kailangan pa po kase akong gawin e.
Salamat po sa pagtawag. Mag iingat po kayo lagi. Sige po.
At tinapos ko na yung tawag bago pa sya makapagsalita.
Pagkababa ko ng phone, hindi ko na kinaya. Napahagulgol na ako.
Nagpaulit ulit sa isip lahat ng sinabi nya.
Naisip ko si Mama. Tama naman si Auntie e. Hindi ko man lang naisip ang mararamdaman ni Mama.
Na sa dinami rami ng sakripisyo nya, yun pa ang kapalit na binigay ko sakanya.
Sarili ko lang inisip ko. Naging makasarili ako. Sariling kaligayahan ko lang inisip ko.
Wala akong utang na loob. Napakawalang kwenta kong anak.
BINABASA MO ANG
Chasing Happiness (Completed)
FantasyReal happiness comes from within but what will you do if you can't find it there? Will you go through everything just to find it? Or will you just settle to what finds you? Hello guys, if you're here on my page to read this story thank you so much...
